02

80 20 30
                                    

"Nandito ulit 'yung guy," Hosuh announced, barely a whisper. Napatingin ako sa pinto pero agad din akong umiwas at may binulong kay Hosuh.

"Ikaw muna kumausap."

"Mukhang ikaw hinahanap."

Bago pa kami magtalo ni Hosuh, naunahan na kami ni Sunny na mag-greet sa Arius na casual na lang manamit ngayon. "Hi! Nandito ka ulit, sir!"

"Magpapatattoo ka na ba, ser?" tanong pa ni Sunny kay Arius na ngayon ay nakaupo na sa sofa at nakadi-kwatro pa. Feel at home.

"Pag-uusapan pa namin ni Ms. Scarlet," he smiled. What the heck. Is he really serious?

Si Sunny naman ay ngumiti ng nakakaloko sa akin kaya wala na akong nagawa kungdi lapitan si Arius na ngayon ay tumitingin-tingin na sa paligid.

"So. . ." I started.

"Pwedeng patingin ulit ng portfolio mo? May nagustuhan ako ron e,"

"Magpapatattoo ka na ba?" diretsyong tanong ko. His presence is weirding me out. Atsaka sa kahit anong costumer naman, ganito na ako makipag-usap, saglit lang sa introduction.

Alam kong hindi ako magandang role model para kila Hosuh at Sunny. Mamaya makuha nila ang paraan ng pakikipagusap ko. It's a big NO. Baka palayasin din ako ni Tita Ashlie kapag nalaman niya 'to.

"Pwedeng patingin muna?" wala akong nagawa kungdi kunin ang portfolio ko sa drawer ng counter at ibigay sa kaniya. Mabuti na lang may sarili nang mundo sila Sunny at Hosuh.

"What is really your specialty in tattoing?" tanong nito habang pinakatitigan 'yung bawat page.

"Biomechanical. Medyo realistic kasi, kahit na inaabot ako ng ilang oras. It's still worth it. " sabi ko at umupo na rin sa tabi niya.

Alam ko naman na iba-iba ang mga designs na nakalagay doon dahil 'yon ang mga portfolio ko bago maging apprentice at maging certified tattoo artist. Ang dami pa naman non, aabutin kami ng siyam-siyam dito. Kahapon nga ay inabot na siya ng gabi pero mukhang wala naman siyang reklamo.

"Could you do a tattoo in finger?" he asked, raising his pointing finger.

"That would be painful for you, if you're going to ask to tattoo biomechanical style, you know. Sensitive kasi ang mga parte ng balat na lagyan ng tattoo kapag nababanat atsaka naiipit. Especially the joint parts, like the knee, elbow, ankle. So. . . Just understand that the sh*t would be painful."

"Wow, sh*t." he repeated with a smirk.

Nagtagal pa nga ang pag-uusap namin. Ang dami niyang tanong tungkol sa mga designs ko, pati na rin kung paanong namin pineperform yung tattoing. Grabeng assurance ang kailangan ng taong 'to. Feel ko sa susunod na araw magiging apprentice na rin siya dito dahil interesado na talaga siya sa tattoing.

"Ate Scarlet, pwede ka nang kumain sa labas." maingat na sabi ni Sunny nang pumasok silang dalawa. Hindi kasi pwedeng kumain dito sa loob dahil 'we prioritize cleanliness'. At dahil hindi pa nakakabalik si Tita Ashlie, ako ang pinabantay niya sa dalawa.

"Sige." Nagugutom na rin talaga ako.

"Samahan na kita," Arius offered, "Gutom na rin ako."

"Sa dami mo ba namang tinanong, sinong hindi magugutom don?"

I ignored Sunny's grin at me and Arius and I exited the parlor. Walking side by side, "I usually ate in BK since 'yun ang pinakamalapit dito."

"Sure, I haven't eaten burger for a year."

"Wow, year," I teased nonchalantly and he just smirked.

The lunch was weird, no one's talking. Sabay lang kaming kumain habang ako ay nakatingin sa malayo. Hindi na rin siya nagtanong dahil mukhang abala siya sa pagkain at sa pagcecellphone niya.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon