17

32 10 7
                                    

Nagising ako na nasa kama na ako kung kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang isang panaginip lang ang ginawa ko. Hindi ko ata kakayanin na sumandal sa kay Arius at hawakan ang kamay niya sa paraan na parang inaangkin ko siya.

Pero iisa lang ang nasa isip ko, handa na akong harapin kung ano man ang katotohanan ngayon.

Nagseselos ako.

Galit ako.

Maraming katanungan sa isip ko.

Kailangan kong makita ang babaeng 'yon.

Maaga akong bumangon at nagpalit ng sweatshirt at jogging pants. Balak ko sanang magtraining ng mag-isa pero pagbukas ko ng pinto, bumukas rin ang pinto ng kwarto ni Arius.

Nagkatinginan kami bago sumilay ang ngiti sa mukha niya. Paano niya ba ginagawa ang ngiti na 'yon?

"Good mor—" Hindi ko na siya pinatapos at dali-daling lumabas ng bahay.

Nakaramdam ako ng hiya dahil sa nangyari sa panaginip ko. Bakit naalala ko pa kung panaginip lang? Kadalasan namang hindi ko natatandaan ang mga panaginip ko.  Nagsimula na akong tumakbo ng mag-isa pero alam kong nakasunod lang din siya sa akin kung kaya naman nagsuot ako ng earphone para hindi ko siya mapansin. I was actually a fan of rock songs and hearing the vocalist scream makes me alert in my surroundings.

I was just jogging when I saw him beside me, I panicked again so I ran faster. I felt him reaching my shoulder so I stopped and looked back at him. Tinanggal ko ang earphone sa tenga ko para marinig ang sinasabi niya.

"Why did you ran so fast?" He asked and was also wheezing just like me. "Hindi ko tuloy nadala ang training bag natin."

Training bag namin, lahat ng gamit namin ay nasa iisang bag lang. Lagi naman siyang nagdadala at nag-aayos non kaya hindi na pumasok sa isip ko pa ang bagay na 'yon.

Umirap na lang ako at babalik na sana sa pagtakbo nang mabilis niyang hinawakan ang braso ko. Instead of getting irritated, I just felt myself calming down. Now, I don't felt like running at all.

"You can't just run alone. Let's go back and get our bag."

"I can, so go back on your own." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya at sinubukan siyang tignan sa mata pero mas lalo lang akong nailang. He seems conflicted.

"Someone may attack you here."

The image of me getting cornered again by a stranger who sucks blood floods in my mind. Dang, parang bumalik ang sakit.

"I can defend myself." Pag-angil ko. "Yon naman ang dahilan kung bakit ka nandito, diba? To train me."

Umayos siya ng tayo at naging blanko ang ekspresyon. Tila ba'y natauhan siya sa sinabi ko. Hinintay ko na may sabihin siya pero nakatitig lang ito. Dati, hindi naman ako naiilang sa tingin niya pero bakit ngayon ay ako na ang umiiwas ng tingin?

"Is there something wrong?"

"Wala." Umiling ako at pinilit na ngumiti pero mukhang nagkamali ako dahil napangiwi siya. Huminga siya ng malalim na para bang kanina niya pa pinipigilan ang sarili. Hinawakan nito ang palapulsuhan ko at bahagyang hinatak. 

"Let's go back and talk about what you're thinking, 'kay?" At ngumiti siya, napakuyom tuloy ang kamay ko dahil ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bakit kasi. . ." ganito na ang epekto niya sa akin? Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagdalawang isip ako. Lumingon ulit siya sa akin.

"What?"

"Something had changed." Pag-amin ko, sandali kong nakita ang pagtataka sa mga mata niya bago siya ngumiti ng nakakaloko.

"Well, I didn't change. Baka ikaw lang 'yon." Binitawan niya ako at umatras ng kaunti. Simpleng galaw lang, pero napansin ko agad kahit na nakatitig lang ako sa mata niya.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon