26

30 7 7
                                    

Hindi ko naman inaakala na kailangan ko pang makalagpas sa mga traps pagpunta sa lugar na pupuntahan namin ni Evony. Tinutulungan niya ako para hindi ako mahuli ng mga traps pero may ibang hindi ako nakakaligtas.

Nets, nails, ropes, darts, bullets and even poisonous animal like a black mamba were safely hidden everywhere!

Sinusubukan kong talasan ang mga mata ko para makita at maiwasan 'yung mga bitag katulad ng training namin ni Arius pero hindi naman ako biglang makakasabay na parang himala.

Si Evony ay nahihirapan rin pero sapat lang ang bilis niya para protektahan ang sarili niya kung kaya naman halos duguan na ako nang makarating kami sa isang kweba na natatago ng mga baging.

I was wheezing while Evony were standing firmly beside me.

"Exactly two hours, nakarating din tayo."

"Bakit hindi mo sinabi na ganito pala?"

"What? Akala mo ba ganon kadali 'yung papasukin mong trabaho?"

"I would really appreciate it if you gave a freakin' warning, you bitch." Irap ko.

Naghilom na ang mga sugat pero may iilang dugo pa rin ang naiwan sa balat ko, may arms and legs felt swollen right now. Nasira na rin 'yung hiniram kong jacket ni Arius dahil sa mga galos. Sana hindi siya magalit.

"Kaya mo pa? Parang tutumba ka na diyan." Nakapamewang na sabi nito habang may hinahanap.

Magsasalita na sana ako nang mapansin kong bigla siyang napatingin sa aking gilid kung at saglit na nagbago ang ekspresyon niya. Kaya naman mabilis akong lumingon para makita ang nakita nito pero hindi iyon sapat para maiwasan ang mangyayari.

Someone just knocked me out with just one punch.

***

"Tell us everything about yourself."

"I am Scarlet Loren, I lived without parents nor guidance from people. Nakatira pa ako sa gitna ng gubat kaya wala akong mga kapitbahay. I was a tattoo artist but resigned because I needed to do something. I need to focus on giving Sirius the answers that he wanted."

"Who's Sirius?"

"He's the twin brother of my boyfriend, Arius."

"What happened next?"

"Si Arius, nanatili siya sa buhay ko kahit na may nalaman kaming katotohanan."

"Anong katotohanan?"

"There's this coven where I was assumed to be originated. My parents belong to them and my real name is Amaranth Majorelle. They said that I died in a young age because I drowned.

Sinabi nilang may nagsakripisyo para mabuhay ulit ako. At 'yong mga taong 'yon ay ang magulang nila Arius. Wala akong ideya kung paano nangyari 'yon. Ang alam ko lang ay ritwal 'yon sa grupo nila para buhayin ulit ang patay na tao."

"What do you need from us?"

"I need answers."

"What do you want to do?"

"Gusto kong matigil na ang ritwal na ginagawa ng grupong 'yon. Dahil nasisigurado akong 'yon ang panghabang-buhay na solusyon na maibibigay para sa mga taong kailangan ng hustisya sa nangyari."

"Do you really wanted to work in here?"

"Only to know those things."

"Right,"

I snapped back in reality when I heard the clicking noise from the door. Napatingin ako sa balikat ko nang may dumulas roon, may tuwalya na nakabalot sa akin ngayon dahil puro dugo pa rin ang balat at damit ko. Nakaupo ako sa isang metal na upuan at para bang nasa interrogation room ako dahil may iisang pinto at salamin lang sa paligid. Hindi rin pader ang nakapaligid, kungdi mga batong tila ba'y inukit.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon