I didn't thought that I will keep a secret from a stranger this day. Pakiramdam ko gumaan din ang loob ko dahil kahit papaano ay may napagsabihan ako ng mga iniisip ko nitong mga nakaraang araw.
Kinabukasan, nagkita ulit kami ni Saki sa grocery store at doon ko lang napag-alaman na nagtatrabaho rin siya roon. Ang dami naming napag-usapan hanggang sa maging kumportable na ako kahit bigla na lang akong mapapaamin bigla. Thankfully, I haven't growing any feelings with him, dahil kanina pa siya tukso ng tukso. Love wasn't just for me.
"Have you considered talking about it to the police?" Tanong ni Saki matapos kong masabi na may nagpapadala ng pera sa akin.
"Plano ko pero wala akong oras na makipag-usap sa kanila." Kahit nga kay Kuya Gerin, hindi ko masabi sa kaniya.
Nang ihatid ako ni Saki sa WIT, agad na bumungad sa akin si Sunny na nakangiti nanaman. "Canvass mo, nandito."
Napatingin naman ako sa buong shop at bahagyang kinabahan nang makita ko si Arius na nakaupo sa sofa. Nang makita ako nito ay agad rin siyang tumayo.
"Una na ako," paalam ni Saki sa likod kaya naman lumingon ako sa kaniya at tumango.
"Ingat,"
Nang tuluyan na akong makapasok ay kinausap ko agad si Arius na nakatayo lang malapit sa sofa.
"Hi," I greeted in serious tone. Pinaghintay niya ako ng isang linggo, pakiramdam ko tuloy siya ang dahilan kung bakit puyat ako. "Kunin ko lang 'yung hinihintay mo."
Hinayaan ko siyang maghintay roon at pumasok sa isang kwarto. Nagulat pa ako nang sumalubong sa akin si Hosuh.
"Grabe, a." React niya nang makita ang gulat kong ekspresyon.
Napailing na lang ako, "Sobrang tahimik mo kumilos, akala ko walang tao rito."
"Masyado ka lang lutang." ganting sabi niya. Bago pa ako sumagot ay tuluyan na siyang lumabas.
I am aware of what's happening around me, hindi nga ako masyadong nag-iisip. Kinuha ko na 'yung dalawang cellphone sa bag ko at agad na pumunta kay Arius na naghihintay nanaman.
"Oh," I said when I handed the cellphone. Hindi ko pina-ayos 'yung isa, wala akong oras para maghanap ng repair shop.
"Thanks," he said while checking out the phone. I watch him browse from the photos to the messages. Nakita niya ako kaya naman bahagya siyang tumalikod.
Ngayon ko lang napansin na pumayat rin siya at mukhang pagod. Wala rin ata siya sa mood na asarin ako. And I don't know why I find it odd.
"You're weird," I commented and sat in front of him.
"How did you get this?" He asked while still fidgeting on his phone.
"I asked for your number, I dialed a few times then someone answered it saying that he got your phone." maikling kwento ko.
Nang matapos na siya sa ginagawa niya ay tumingin na siya sa akin.
"Do you know who got this?" He asked with a placid expression. Somehow, it felt wrong.
"Just by the face. Narinig ko na may anak siya at pangalan ay Anton," I recalled the scenes in my head.
"Saan sila nakatira?"
"Dahlia Street." maikling sabi ko at pinagmamasdan pa rin ang ekspresyon niya.
"Wow," He said, looking amused of something that I didn't get.
"Wait, are you really Arius?" I pointed after the thought came, "Kasi ayokong kausapin si Sirius?"
He chuckled and finally loosened his tight expression, what had happened to him in this past few days? "It's me, your canvass."

BINABASA MO ANG
[3] Under Her Scars
Fiksi IlmiahScarlet Loren had a terrible accident but still ends up living the next day. Despite of the mysteries, she chose to live normally and didn't bother to dive deeper into it. All that she could think of is; she's alive. She's satisfied on working in Wh...