We made our breakfast together, sinabi niya kasing nagugutom na siya at wala pang kain. Nag-aasaran lang kami na para bang hindi nangyari ang iwasan nitong mga nakaraang araw.
And it felt right.
Arius were sipping on his mug when I saw Evony in the kitchen window. She saw us and subtly nodded. I saw her mouthing 'later' before disappearing. Napaisip tuloy ako kung ano ang sasabihin niya. Nang tumingin ulit ako kay Arius, nakakunot na ang noo nito na parang naramdaman niya na nagbago ang aura ko.
"Why?"
"Naalala ko lang si Rouisa," naiiling na sabi ko dahil gusto ko nang tanungin kung nagkikita pa ba sila. Saktong nagpakita si Evony kaya bumalik sa aking alaala. Narinig ko na bumuntong hininga siya at hindi tinanggal ang tingin sa akin.
"We've met twice," sabi nito.
"Bakit?"
"I want her to stop. I was eavesdropping when you're talking to Evony, you know. The day when she told you that it was Rouisa who gave you the envelop. Sinabi ko na ang lahat, nagpakatotoo na ako. Bahala siya kung masaktan siya, punong-puno na ako sa babaeng 'yon. Kaya ayon, umiyak."
Ngayon ko lang siya narinig na parang nawalan na siya ng respeto sa isang babae dahil sa pananalita nito ngayon. Hindi ko siya masisi dahil ang dami nang ginawa ni Rouisa na dapat hindi na pagbigyan.
"Iyon ang sinabi ko noong unang beses kaming nagkita after weeks na maging 'official' tayo tapos biglang sumulpot ulit at bigla na lang nagsabi ng mga masasamang salita sa'yo at sa mga kamag-anak mo na alam kong hindi naman nagparamdam sa'yo. Kaya hindi ko na talaga pinigilan ang sarili ko."
"Anong ginawa mo?"
"Sinampal ko," He shrugged.
"Talaga?"
"Joke. Hindi ako babae para manampal kaya sinuntok ko."
"What?" Natawa ako dahil nagawa niya pang isipin 'yon. Naalala ko rin 'yung pagsampal niya sa lalaking kumuha ng dugo ko.
"Joke lang talaga," he laughed that makes me frown, "I didn't hurt her physically. Makakatulog 'yon kung sakali at saan ko naman siya dadalhin? Problema pa 'yon. I don't even want to touch her, you know. Gusto ko lang isipin mo na ganon ang ginawa ko kasi paniguradong 'yon ang gagawin mo."
"Talaga. Magbu-bugbugan kami." Napailing na lang ako dahil nagawa niya pang magbiro, pinanindigan niya talaga na ayaw niya sa seryosong usapan. "So ano ngang ginawa mo?"
"Sinabi kong walang taong magmamahal sa kaniya kung patuloy niya pang gagawin 'yon."
"What, dude, that's almost a curse!" Muli akong tumawa nang makita kong walang halong pagsisi ang boses niya, na para bang hindi 'yon mas masakit sa sampal o suntok.
"Bakit? Totoo naman, a. Some peoole need privacy at kung gagawin niya pa 'yon sa ibang tao, goodluck na lang sa kaniya." Sagot nito at sumipsip ulit sa kape niya.
Hindi ko na tuloy maiwasang mapangiti dahil sa mga ikinuwento nito. Wala pala akong dapat ipag-alala, mahal na mahal ako nito, e.
Everything went back just like what we had before. But now, it felt like all of my attention were on him because I wasn't working in WIT. Sinabi ko na rin kung anong dahilan ko kung bakit nagresign ako sa WIT. Simpleng 'gusto kong tuparin ang sinabi ko kay Sirius' at 'babalik pa naman ako', ang mga sinagot ko.
At ang loko, nagpatattoo pa ulit sa akin. He insisted to put any designs that I want on his back and in return, he could do anything with my hair. Pumayag naman ako, wala naman akong pakialam kung anong gawin niya sa buhok ko.

BINABASA MO ANG
[3] Under Her Scars
Science FictionScarlet Loren had a terrible accident but still ends up living the next day. Despite of the mysteries, she chose to live normally and didn't bother to dive deeper into it. All that she could think of is; she's alive. She's satisfied on working in Wh...