22

32 10 8
                                    


Humihinga lang ako ng malalim at kinokontrol ang tibok ng puso ko. Nakakulong na ulit ko sa aking kwarto, walang nakatingin at hindi nasasaktan.

Ganito naman ako tuwing nagme-mental breakdown, I just need time to feel that I could control myself, far from any pressure of people around me.

May narinig akong pagkatatok, ang akala ko ay sa pintuan pero sa may bintana pala at nakita ko roon si Evony. Agad akong bumangon nang marinig ko na parang may sinasabi siya. Binuksan ko ang bintana para makapasok siya. Napanganga siya nang makita ang itsura ko pero nagulat ako nang bigla ako nitong niyakap.

"I told you to stop him," Hindi ako nakagalaw sa yakap niya. Sobrang init na para bang matagal ko nang hinihintay ang isang yakap. "Masaya na kayong dalawa nang walang alam."

"Ikaw ang nagbigay ng envelop na 'yon." I accused and pulled her away.

"What envelop?" Kunot noong sabi niya na nagpataka sa akin.

"Yung pinadala mo kay Saki. Sabi niya ibinigay mo raw sa akin 'yon." I explained.

"Saki? The guy in WIT?" She paused, "Wala akong pinadalang envelop. I could've just do it myself."

"Are you joking?" I hissed.

"No, seriously. Why would I do that?" Ilang segundo siyang nag-isip, "Give me that envelop."

Mabuti na lang at hindi kinuha ni Arius 'yon, kinuha ko ang envelop sa drawer at binigay 'yon sa kaniya. I saw how she cursed upon seeing the content of the documents. Mabilis niyang binalik ang mga ito sa loob at hindi inabalang tignan pa ang lahat. "Nakita ko sa mga kamay ni Rouisa 'to few months ago. I'm sure that she used that Saki to give this to you."

Unti-unting nagtugma sa isip ko ang mga pangyayari. Si Rouisa ang nagpaalala sa akin tungkol sa envelop at kung si Evony talaga ang nagpadala, dapat ay binanggit niya at siya na lang ang magdadala rito. It's been a mystery of why does it have to be in Saki's hands.

"That guy," she hissed and looked away.

"Wala siyang ginagawang masama," I defended even though I'm not sure of it. Saki is my friend, I don't want to think ill of him just because of this freakin' envelop.

Saglit niyang pinagmasdan ang reaksyon ko, ramdam kong may iniisip siya kaya naghintay ako ng sagot sa kaniya pero tumango lang siya at umayos ng tayo.

"Scarlet, listen." she called to get my attention. "You are aware that their parents were searching for our coven, right?"

Our coven. Isa pala ako sa grupong 'yon. Mabagal akong tumango.

"If you won't stop them, they could be another sacrifice for an innocent child. Stop them right now. Ito ang ayaw kong sabihin sa'yo, Scarlet." I gritted my teeth, I took a step forward but she also took a step back.

Hanggang sa sumandal na siya sa pader, sinalubong nito ang tingin ko sa kaniya. Walang halong takot.

"No, your coven should stop sacrificing innocent people." I commanded as if those words could magically stop everything

Umiling ito sa akin at saglit kong nakita sa mukha niya ang lungkot. "Sa tingin mo ba hindi namin sinubukan 'yon? All of my family died trying to break that ritual and here I am, trying to warn you even though I know that this will put me in danger."

Itinaas niya ang noo niya at sa isang iglap ay naitago niya na ang mga emosyong saglit kong nakita. Maraming nabubuong katanungan sa isip ko at hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Hindi ko kailangan ng proteksyon niyo,"

"At hindi ka mabubuhay ngayon kung hindi dahil sa amin." Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya naman tinulak ko ito at hinawakan ang damit niya.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon