28

20 8 7
                                    

Mariin ang pagkakatikom ng aking kamao nang lumabas ako sa pinagpasukan naming tatlo. Kailangan ko pang umakyat ng pader para tuluyang makalabas at nakakagulat na hindi man lang ako nahirapan.

Ang awkward naman kung sa pinto pa ako aalis. Ewan ko ba, hanggang sa pagkataranta, umiiral pa rin ang pride ko.

Naglakad ako pabalik sa kotse habang umaagos ang aking dugo sa kanang kamay ko. Pilit kong inalala na kaliwang kamay ko ang ginamit kong pagtulak kay Phoexe kung kaya naman sigurado ako na hindi nagkaroon ng kontak ang aking dugo sa kaniya.

Pero kung makatingin sila, grabe.

Mabuti na lang ay hawak ko ang susi ng kotse ni Arius kung kaya naman kumuha ako ng bagong benda sa compartment nito at pinalitan ang duguang benda sa aking kanang kamay.

Maybe they know how agitated I was back there, I can't blame them though because my blood really reacts depending on my mood.

"That's your instincts, right?" Napatingin ako sa aking kanan nang may marinig akong tinig mula sa babae. Doon ko nakita si Phoexe na nakayakap na sa cardigan nito. Mas matangkad pala siya sa akin.

Huminto ito ng isang metro sa aking tabi habang hindi na ako makatingin sa kaniya.

They felt so familiar to me and I am literally clueless on this lingering feelings right now. Na para bang nakikipag-usap ako sa mga kakilala ko noon, na parang maari akong magtiwala sa kanila. Alam kong mali. And it happens that she suddenly came in front of me, intending to hug me so I panicked when this
overwhelming feelings rush in and my instincts were turned on. 

"Alam mo rin ba kung anong kayang gawin ng dugo ko?" tanong ko habang nakatitig sa aking kamay.

Kasi kahit hindi sila nagsalita kanina, alam kong kahit papaano ramdam nilang may mali sa akin.

"You know, Henry, the guy beside me earlier. He could read mind and he told me about that thing so. . ." she sighed and that's when I took a glance at her. She's looking at me with soft eyes. "We know."

Somehow, talking about this peculiarities didn't freak me out.

"So he knew what we came for."

"Yeah," she nodded and sigh again, "Kaya binigyan niya tayo ng oras para mag-usap. He's busy with the boys so we could settle some things in here. Okay lang ba dito? Baka malamok?"

May kung anong banayad sa pagsasalita niya. Nang mabasa ko ang assessment nito, parang sobrang intimidating niya dahil ang dami niyang kayang gawin sa panaginip niya pero ito siya, mukhang manghihina sa lamig.

Nang ngumiti ito sa akin ay doon lang bumalik sa aking isip ang paksang pinag-uusapan namin. I leaned on the car and lowered my hand, I tried to look for the right words to ask her but I don't know where to start.

"Sinabi ni Arius na ikaw 'yung nagpadala ng sulat sa akin tungkol sa mangyayaring away nila—"

"Oo, ako 'yon. Alam ko rin kung anong napanaginipan mo kagabi." Pagputol nito sa sinabi ko, ni walang halong pagkabalisa niya itong sinabi at kalmado lang.

"Tinatakot mo ba ako sa mga ginagawa mo?" diretsyong tanong ko nang hindi kumukurap, "Hindi ko alam kung anong dahilan mo kung bakit sa akin mo pa. . . ginagawa 'yon at hindi mo na lang sa kambal ipakita 'yung napanaginipan mo. Ano talagang gusto mong mangyari?"

Nakita ko kung paano siya lumunok nang marinig ang sinabi ko, na-tense pa ang mga balikat nito.

"I just felt like you were connected to those—"

"Bakit hindi rin napanaginipan ng kambal?"

Sinalubong nito ang aking mga tingin at umayos ng tayo. "Hindi ko rin alam kung bakit sa'yo lang. I am not in a full control of the dreams that I'm going to take. Really. I'm still developing my skills. Kaya sa huli, ikaw pa rin ang may hawak ng kapalaran mo. Pero para sa ikapapanatag ng loob mo, hindi pa mangyayari ang mga nakita mo ngayon. Those were just scenes from the future. It's up to you whether you're going to believe that it's going to happen or not."

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon