23

23 10 8
                                    

"WHAT THE HELL should I do, Evony?" I exclaimed when I saw her in the window.

"Anong nangyari?" tanong nito nang makapasok siya sa loob, alerto sa kung ano mang sasabihin ko. Sinabihan kasi ako ni Arius na uuwi siya sa kapatid niya kaya malakas ang loob ko na sumigaw ngayon. Sakto namang sumulpot si Evony.

"Pinuntahan ko ang kapatid ni Arius,"

"Then?"

"Sinabi kong ako na ang bahala sa paghahanap ng sagot basta tumigil lang sila sa paghahanap."

"Pumayag?"

"Syempre, may deal kami."

Sinabi ko sa kaniya ang deal na napag-usapan namin. Ang tanging gusto na lang malaman ni Sirius ngayon ay kung anong pinagkakaabalahan ng kapatid niya dahil ang sabi nito, masyado na itong magiging malihim. Pati ang tunay na nangyari sa ritwal at sakripisyo sa mga magulang niya. Ang sabi niya pa, susuportahan niya ako sa kung anong gagawin ko. Basta maibigay ko ang lahat ng mga sagot.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko, saan ba magsisimula?" Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nataranta. Ngayon ko lang naramdaman ang pressure na natanggap ko.

I felt like I have a heavy goal to accomplish which was new to me. Sanay ako na hinahayaan lang na lumipas ang isang araw at gawin ang lahat ng mga gusto ko. Pero ngayon, malinaw sa akin na hindi lahat ng mga ekspektasyon ko ay mangyayari sa hinaharap.

Ni hindi ko nga alam ang gagawin.

"The fact that Sirius didn't know what's going on in his twin brother, it was the thing that you should prioritize now." Sumandal siya sa pader at pinagkrus pa ang mga braso. "Narinig kong may pinuntahang lalaki si Rouisa."

"No way," I hissed, "Si Arius ba 'yon?"

"No idea, but it's likely him."

"Okay," Nagkikita pala sila, bakit hindi pumasok sa isip ko 'yon? Where could they have been meeting? Naalala ko ang pakikinig ko sa kausap niya nitong nakaraang linggo sa phonecall. Nagkikita na pala sila.

Nagulat ako nang bigla akong nakarinig ng sampal hanggang sa mamanhid ang pisngi ko.

"Wake up, red hair." Evony hissed, "Don't make that face in front of me."

"Sinampal mo 'ko?!"

"Oo, para magising ka."

"Bakit kailangan mo akong sampalin?!"

"Para nga magising ka at gumawa ka ng kilos!"

"Hindi ko nga alam ang gagawin, okay?! Hindi ko alam kung saan magsisimula?!" sigaw ko. "Tngnang sampal 'yan, ang lutong." mura ko habang nakahawak sa pisngi ko. Feel ko maiiyak pa ako dahil may aftershock 'yung sampal niya. Hindi ko na nga pinansin ang lakas ng boses at sigawan namin.

"Get his attention, you dumb. You're his girlfriend, right?"

"Hindi ko gawain 'yon," Kinilabutan talaga ako kapag iniisip ko pa lang na magpapapansin ako kay Arius. "I don't plead in any attention, Evony."

"Jowa mo siya, Scarlet." I cringed again, "It would be a form of cheating if he's meeting someone."

"Dang, just stop, Evony." Napatayo na ako sa kilabot, sobrang bilis na rin ng pagtibok ng puso ko. "Desisyon niyang makipagkita kay Rouisa, bahala siya. I'm not that territorial."

"Ah, kahit pa na may posibilidad na nahihirapan na si Arius kay Rouisa ngayon?" balik na sabi ni Evony.

"What do you mean?" seryosong tanong ko.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon