20

39 11 7
                                    

I woke up in a bad dream again. I heard a familiar voice, it seems like from Phoexe. She was also warning me to stop. Hindi ko sila maintindihan, bakit kailangang pigilan 'to?

Nang gumalaw ako, may naramdaman akong nakadagan sa bewang at hita ko. Idinilat ko ang aking mata at nakita na nakayakap si Arius sa akin, ganon din ako sa kaniya. Although, nakapatong lang naman ang braso ko sa leeg ni Arius at 'yung isang kamay ko nasa mukha niya.

Napapikit ako at dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa mukha niya. Mukhang tulog na tulog pa siya kung kaya naman tinapik ko na ang pisngi nito.

"Hm?" he moan in muffled voice, still not opening his eyes.

"'Yung binti mo dinadaganan ang hita ko,"

Hindi siya gumalaw.

"Hoy," tawag ko, nakita ko ang naiinis na ekspresyon niya bago itinaas ang isang paa at kamay niya, hindi pa rin dumidilat.

Bumangon ako at ilang segundo na hindi niya pa rin binababa ang kamay at paa niya kaya kinuha ko 'yung unan hanggang sa 'yon na lang ang niyakap niya.

Wala akong ideya na ganito pala siya matulog.

Lumabas ako ng kwarto habang nag-uunat, mabibigat pa rin ang katawan ko nang pumasok ako sa CR para mag-ayos ng sarili.

Saktong paglabas ko ay may narinig akong tumutunog na cellphone. Pinuntahan ko ang tunog sa sala at nakita kong may tumatawag kay Arius. Nag-iba na agad ang timpla ng umaga ko nang makita kong si Stranger ang caller.

Sinagot ko 'yon at hindi agad nagsalita.

"Scarlet," Tawag ng isang babae kaya napahugot ako ng malalim na paghinga. Paano niya nalaman na ako ang may hawak ng cellphone?

"What kind of wichery are you playing, bitch?" I hissed.

"If you wanted to meet me just go out of your house and ran away. I want to tell you something."

"Bakit ayaw mong sabihin ngayon?"

Wala akong narinig na sagot sa kaniya ng ilang segundo. Baka may balak sila at kung naiisip niya na ganon ako katanga para lumabas at lumayo kay Arius, siya ang tanga rito.

"If you really trust your man, give that envelop that you received to them. Tutulungan mo sila, diba? Now, do what I advise." She taunted and emphasized the word 'your man' like she was teasing me.

It's making me conclude that she knows what's happening around the two of us. It infuriates me. She didn't waited for me to answer and hanged up.

Ibinaba ko ang cellphone ni Arius at huminga ng malalim. Naalala ko ang binigay sa akin ni Saki na ang sabi niya ay pinapabigay daw ni Evony. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nabubuksan 'yon dahil gusto kong buksan 'yon kasama si Arius.

But my instinct were telling me not to do so.

Tinanggal ko ang contact trace ni Rouisa sa number na 'yon para hindi malaman ni Arius na tumawag siya. I locked myself in my room. I even closed the curtain to get the envelop that I received.

May kung anong nakakatakot kay Rouisa at ramdam ko na makakasira ng tiwala at kasiyahan kung ano man ang sabihin nila ni Evony.

Nakita ko na ang pinakatatago kong envelop pero agad ding nagdalawang isip. May tiwala ako kila Arius at Sirius pero katangahan naman kung hindi ko makikita kung anong laman nito. May dahilan kung bakit sa akin muna napunta 'to bago sa kanila.

Binuksan ko na ito para makita ang kung ano mang laman nito. Nilabas ko ang ilang mga papel at binasa ito.

Natigilan ako nang makita ko ang batang mukha ko sa isang larawan pati ang lahat ng personal na impormasyon mula sa akin. Sa tingin ko ay apat na taong gulang ako sa larawan. May luma ring birth certificate roon at kung ano-ano pang papel na pinagtaka ko. Bakit mukha ko ang nakalagay sa pangalan ni Amaranth Majorelle?

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon