"Good morning, Tita Ashlie!" natigil ako sa pagtuturo kay Saki nang marinig ko nanaman ang boses niya sa loob ng shop.
Ang aga-aga nandito na agad ang lalaking 'to. Araw-araw ko na lang ba talagang makikita ang mukha niya? Matapos ng pag-uusap namin ay hindi na siya nagseryoso. Pinipilit kong tanungin kung totoo ba 'yon pero sinabi niyang oo. Hanggang sa makauwi kami, pakiramdam ko nagloloko pa rin siya.
Basta ang alam ko lang may mga taong katulad ko at ni Saki. Sa tingin ko may kung anong kakaiba sa hawak ni Arius na makakapagpakalma o magpapatulog sa taong nahawakan nito. Ramdam ko dahil 'yon ang epekto ng mga paghawak niya sa akin. Though he never mentioned anything about it.
He winked at me and then proceed to talking Tita Ashlie who was still surprise. Nagsimula na silang mag-usap at kita ko kung paano siya sumipsip kay Tita para lang dito siya tumambay. Galawan din ng isang 'to, e. Napairap tuloy ako at napansin na nakatingin sa akin si Saki.
"What?"
"You're smiling," he stated that surprised me.
"Bawal ngumiti?"agad na tanong ko sa kaniya.
"Akala ko ba, di mo type?" tanong niya pa na saglit na ikinatulala ko. Nahampas ko tuloy siya dahil bigla siyang tumawa sa reaksyon ko.
"Hindi nga," I denied and not look at him anymore. Hindi naman kasi talaga.
Alam kong nagbibiro lang talaga si Arius kapag may kakaiba siyang sinabi patungkol sa akin. Hindi niya ako gusto at isa 'yon sa dahilan kung bakit pwede akong maging kumportable sa kaniya.
Kaibigan lang, madaling gumalaw.
Maya-maya pa ay lumapit na si Arius sa tabi namin kaya natawa ako nang biglang tumahimik si Saki at nagseryoso sa ginagawa niya. "Nag-iimprove 'yung designs natin, dude, a."
Nakita ko pa na palihim siyang umirap kaya natawa talaga ako, napansin pa ako ni Arius kaya nawala ang tawa ko dahil ako na 'yung inasar niya.
***
Eating lunch with the two of them felt comfortable for me. Hindi nagiging boring 'yung table namin tuwing magkasama kaming tatlo. Nagiging madaldal na rin si Saki at kinakausap niya na ng matino si Arius. Mas lalong umingay dahil minsan may dalawang manunukso sa isa at kadalasang ako 'yung napagtitripan nilang dalawa.
Kahit nga na bigla na lang napapaamin si Arius ay mukhang okay lang sa kaniya. Nasasanay na rin kasi si Saki na magtanong lang ng mababaw na tanong at hindi masyadong personal. I think Arius already know that because he literally know if there's something in one person. Hindi lang alam ni Saki na katulad niya rin si Arius.
I was happy. Saki felt comfortable. Arius was satisfied but sometimes his expression have a mixture of sadness.
"I don't wanna go home," reklamo ni Arius habang nakasubsob sa mesa.
Katatapos lang namin kumain, hinahayaan ko na rin kasi siyang pumasok sa bahay ko. Besides, we're already friends. Ganito rin naman kasi ako ka-kumportable kila Kuya Gerin at Maggie.
Ang lungkot kaya ng mag-isa.
"Kamusta kayo ni Sirius?" tanong ko at nagsimula nang magligpit.
"Worse, I guess?" nagda-dramang sagot nito, "He didn't even talk to me."
"Why?"
"Sinabi mo kasing pinabasa mo sa akin 'yung sulat ni Phoexe. Hindi ko naman alam na sinabi mo kaya nagsinungaling ako tas ayon, nagalit." Paninisi niya.
Hindi ko mapigilang tumawa dahil alam kong hindi naman siya marunong magsinungaling kaya kahit na hindi ko pa sabihin kay Sirius alam kong mararamdaman niya 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/268985695-288-k963587.jpg)
BINABASA MO ANG
[3] Under Her Scars
Science FictionScarlet Loren had a terrible accident but still ends up living the next day. Despite of the mysteries, she chose to live normally and didn't bother to dive deeper into it. All that she could think of is; she's alive. She's satisfied on working in Wh...