05

64 17 14
                                    

"Tita Ashlie, may contact number ba kayo ni Arius?" maingat na tanong ko. Nakita ko naman kung paano lumingon sa amin si Sunny nang marinig nanaman akong binabanggit ang pangalan niya.

"Meron ata?" hindi niya siguradong sabi, "Alam ko tinawagan niya ako sa phone ko, pero di ko pa nase-save 'yung number. Wait hanapin ko."

Naghintay naman ako habang kinukuha ni Tita 'yung cellphone niya. Hindi ko na lang pinansin ang nakakalokong tingin ni Sunny at pinagmasdan lang si Tita.

After a while, she finally give me her cellphone. Kinopya ko ang number na binigay ni Tita, magkaiba sa number na pinangtawag niya sa akin kagabi.

Mabuti na lang hindi na ako tinanong pa ni Tita Ashlie, sinuway niya rin si Sunny nang magtangka  itong tuksuhin ko. I don't know if my expression were transparent, I don't know if they can feel how serious I am.

And I badly need to meet Arius again. Siya lang ang nakikita kong may koneksyon sa taong nagpapadala sa akin ng sobre. Pati na rin ang kapatid niya.

Ramdam ko na kilala na nila ako bago ko pa sila makilala, and I find that really odd.

I kept on dialing both of his number but the line was always busy and unreachable. Hanggang sa mag-gagabi na at hindi ko pa rin siya matawagan. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano siya matatawagan. Kahit na nakuha ko na 'yung contact number niya, wala pa ring sumasagot.

"Ingat," Hosuh automatically said when the three of them went inside Tita's car. Ako lang kasi ang hindi sumasabay sa kanila dahil malayo-layo pa 'yung bahay ko.

"Mag-ingat ka't malalim na ang gabi," tinanguan ko lang si Tita Ashlie bago magpaalam.

Bahagya ko naman silang nginitian, kinawayan ko rin si Sunny na nagpapaalam bago ako sumakay sa bike ko. Lumilipad lang ang aking isipan pero ramdam ko ang paligid.

Natigil lang ako sa pagpapadyak nang biglang tumunog ang cellphone ko. Feel ko bigla akong nagising nang makita ko ang pangalan ni Arius sa cellphone ko.

Hindi ako nagdalawang isip at agad na sinagot ito, "Hello?"

"Hello po, maam." agad na kumunot ang noo ko nang hindi pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ko, "Kayo po ba ang may-ari ng cellphone na 'to?"

"Huh?" anong nangyari? "Sino 'to?"

"Napulot ko lang po 'tong cellphone, gusto niyo po bang magkita ngayon para makuha na po 'yung cellphone?"

Sinabi naman nung lalaki kung saan ang lugar, nalaman ko rin na malapit lang pala 'yon dito kaya naman, pinuntahan ko na lang. Pero agad din akong napatigil nang makita ko na sa loob pa ng masikip na eskinita ako dadaan. May ilaw naman pero siguro wala namang mangyayaring masama sa akin.

I hope so.

Huminga muna ako ng malalim na paghinga bago tinahak ang maliit na eskinita. Siguro naman kakayanin kong mambugbog kung sakaling may humatak na lang bigla sa akin. Nagpractice naman ako mag-isa noong wala akong ginagawa. Kaya ko 'to.

Pero agad din akong napatigil nang may makita akong lalaki na agad akong nilapitan.

"Hello, ma'am?" hindi ako sumagot at umatras ng kaunti.

"Hinahanap niyo po ba 'to?" atsaka niya pinakita 'yung cellphone na hindi ko sigurado kung kay Arius ba talaga. Hindi naman niya kasi nilabas 'yung cellphone niya sa harap ko.

I extended my hand and grab the phone swiftly, ngumiti pa 'yung lalaki na sa tingin ko ay nasa middle age na.

"Dalawa po 'yang napulot ko."  dalawa? "Nakascatch tape po 'yun nang mahanap ko kaso nasa bahay ko po kasi hindi na po gumagana 'yung isa."

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon