30

27 8 9
                                    

Four years later. . .

I WILL forever curse this place.

Muntik na akong ma-headshot dahil sa baril na hawak ng kriminal na 'yon. Hindi ako huminga sa aking pinagtataguan at mas tinalasan pa ang aking mga mata. Sinabi sa akin ni Evony na isang babaeng serial killer ang humahabol sa amin kaya paniguradong pinaglalaruan niya kami. It's as if I would just back down. Normies were able to survive in movies, ako pa kaya?

Bigla na lang itong bumulaga sa isang lugar at nakita ko ang pagkadismaya niya nang hindi ako makita roon. Gusto kong matawa dahil sa itsura nitong naiinis na. Bawal akong huminga ngayon dahil kahit pati paghinga ko ay naririnig niya.

Pinanood ko ang nangyayari habang dahan-dahang tumayo si Evony at hinagis ang kutsilyong hawak nito. Napanganga pa ako nang sumakto ito sa leeg ng babae. Ang akala ko ay babagsak na ito pero unti-unti itong gumalaw kasama ang katawan niya at hindi makalingon sa direksyon ni Evony.

Pinagbabaril niya ang kinaroroonan ni Evony habang siya ay tumatakbo. Hindi nito napapansin na papalapit na ako sa kaniya dahil sa sobrang galit kay Evony. At mukhang nanghihina na rin ito. Nang lagpasan niya ang punong pinagtataguan ko ay agad kong hinawakan ang kamay nitong may hawak na baril at tinanggal ang kutsilyo nakalubok sa leeg nito.

Blood gushes out and the pyscho girl was still fighting. She shot my leg but I didn't falter and held her neck to let my blood attack her inside.

Then her body convulsed, and died in a heart attack.

"Your andrenaline would do all do work later."

Mabilis ang paghinga ko dahil halata namang kinontrol ko ang aking paghinga kanina. Tuluyan nang bumagsak ang babae nang bitawan ko ito. Doon ko lang naramdaman ang panginginig ng aking hita.

Wala na ang sugat ko pero ang bala ay nasa loob pa rin ng aking lamang loob. Inalalayan ako ni Evony na makatayo dahil mas masakit pa ata ang sugat na 'to kaysa sa open wound.

I growned, "I hate guns."

"Let's get to the dock. Baka may dumating pang kriminal dito." Mabilis niya akong hinila kung kaya sinabayan ko na lang ang lakad nito kahit na paika-ika kami.

Iniwan namin ang bangkay dahil hindi naman ito ang unang beses na ginawa naming dalawa 'yon.

"Everytime I'm going to visit here, someone has to die. What the hell, huh," komento ko.

"Alam mo namang survival ang lugar na 'to."

Umismid na lang ako sa sinagot ni Evony. Nagkataon pang hindi lang pala kauri namin ang kinukulong dito, pati ang mga high profile na mga kriminal sa ibang bansa ay pinapadala dito. It turns out the Coven is also supported by a particular government.

Nakakatakot ang lugar na 'to. Katulad ng sinabi ni Evony, ibang klaseng survival ang nagaganap sa lugar na 'to. All of the criminals were trapped inside this whole island. Walang mga kadena, bahala sila sa buhay nila. Kaya maraming nagpapatayan dito para sa pagkain at mga gamit.

The only safe place in here is the center of the island wherein the Coven lives in harmony. They called it Haraya. At si Evony na mabilis na gumalaw, sila ang nagdadala ng mga bangkay sa Haraya.

"No wonder why I escaped this dystopian place and drowned."

Wala akong narinig na sagot kay Evony kungdi ang, "Bye," matapos niya akong maihatid sa militar na barko. Tinignan ko lang siya na maglaho mismo sa harap ko bago umupo at dahan-dahang umusad ang barko.

Ugh, I need to take the bullet out.

***

Knowing the truth doesn't end in just hearing everything, you need to accept or do anything about it. Because now that you have the truth, it's your responsibility to make a choice for everyone's sake.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon