04

76 18 25
                                    

Tita Ashlie offered us to have a celebration because she felt that Arius' tattoo would make a good reputation in our shop. Isa pa, ang laki ng binayad niya sa amin noong matapos 'yon. Nagustuhan ng loko, hindi ko naman alam na mayaman pala.

At ngayon gustong imbitahan ni Tita Ashlie si Arius para sa mini celebration. Nakalimutan rin kasi nitong picturan kagabi dahil biglang may emergency si Arius kaya binilisan na lang ni Tita Ashlie ang mga pagpapaliwanag about Tattoos etiquettes at umalis na ito.

"Yeah, you could tell me anything, so what do you want?" I asked our dear Hosuh while walking around the stalls of chocolates.

Nago-grocery kasi ako ngayon dahil, wala lang. Ang saya ko lang kahapon kasi tapos na ang inaabangan kong tattoo at gusto ko lang talagang bigyan ng gifts sila Tita Ashlie. At nang tanungin ko naman siya, ang sabi niya gusto niya lang ng four box of pizza. Si Sunny naman, isang malaking prutas ng pakwan. Si Hosuh na lang ang hindi ko mabigyan dahil alam ko naman na gusto niya ng chocolates, ayaw niya lang sabihin sa akin dahil nahihiya.

Rinig ko na hirap si Hosuh sa pagsagot sa akin. Natawa ako nang marinig ko na si Sunny, isang segundo lang siya na ang kausap ko. "Ate, favorite niya 'yung maltesers! Pabebe lang 'tong lalaking 'to!"

"Baka naman ikaw 'yung may gusto?"

"Ng maltesers?"

"Yeah, akala mo ba si Hosuh?" nakangising sabi ko habang kinukuha ang malaking cup ng maltesers at nilalagay sa cart ko.

"Both," and then she laughed. Nagulat din ako sa pagiging bold niya sa pagsasalita. I mean, are they together now? Sila na ba?

"Hell, I wish I could see Hosuh's face now." I said when I heard his frown, like he's about to cry.

"Nagba-blush ang ating cinnamon roll, ate."

"Alam mo namang hindi kayang tumanggap ng compliment niyan." sabi ko at naglalakad na sa counter.

Nag-usap pa kami ni Sunny bago bigla na lang natigil ang tawag. I smell something fishy, pero siguro nga, silang dalawa na talaga. Hindi ko naman matanong dahil gusto ko silang makita dalawa.

Bigla naman akong napatingin sa aking likuran nang may marinig akong pamilyar na boses.

"No, I'm perfecfly fine." and there I saw Arius talking to a woman who looked fragile with thick specs. Mukhang hindi nila ako napansin dahil patuloy lang sila sa paglalakad.

"You don't need to lie. I can see scratches in your hand," rinig kong sabi ng babae.

"Still,"

"Ako ang maghahawak nito," the girl said adamantly.

He's staring at her with an amused smile while the girl was just pushing the cart. Girlfriend niya kaya? Kapatid? Grabe lang siya makatingin, a. Natigil lang ang pagtitig ko sa kanila nang tawagin ako ni Ate Cashier.

Naghintay ako sa labas ng store dahil sabi ni Hosuh, susunduin niya raw ako. Masyado talagang sensitive ang taong 'yon. Ayaw niyang binibigyan siya ng walang kapalit, hangga't maari dapat may ibalik rin siyang favor. Grabe ang pagseryoso niya sa quote na 'give and take'.

Half of me was waiting for Hosuh, and the other half was waiting for Arius. Balak ko pa sanang i-text na lang siya kaso hindi ko naman alam ang number niya. Kaya hihintayin at kakausapin ko na lang.

Umayos ako ng tayo nang makita kong papalabas na sila Arius at 'yung babae sa store. Hindi pa rin nila ako napapansin. Lumapit na ako sa kanila, mabuti na lang hindi pa sila magkausap kaya may time ako para sumingit. Sana lang hindi niya girlfriend 'yung kasama niya. Whatever.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon