"I won't cross the line, don't worry. Sasabihin ko lang kung anong mga nalalaman ko."
Naghintay ako ng sagot sa kanila pero mukhang nag-iisip pa rin sila ng malalim.
"Think 'bout it."
Hindi na namin napag-usapan ang bagay na 'yon dahil sa bigla na lang silang nagbukas ng panibagong topic. Ramdam kong hindi na talaga sila masigla katulad ng kinukwento sa akin ni Arius. Siguro nag-matured lang talaga sila, at nakakagaan din naman ng loob dahil mukhang okay naman sila. Baka si Arius lang yalaga ang nagdadrama at maraming sinasabi. Kung ano-ano pang ginawa namin hanggang sa hindi ko na napansin na mag-gagabi na pala.
"He'll be back, hindi ko siya papasukin sa bahay ko." Pamamaalam ko kay Sirius nang makalabas kami.
"Aasahan ko 'yan." He winked and I just laugh, I felt Arius tugging me so I just let him.
Hinatid ako ni Arius at hindi ko na inabala pang kausapin siya dahil ubos na ang enerhiya ko. Napansin ko naman na papunta kami sa convenient store hanggang sa sabihin nito na may bibilhin raw siya, at wag na raw akong lumabas ng kotse.
Tumango na lang ako hanggang sa mag-isa na lang ako dito. I checked my phone and saw that it was already seven o'clock in the evening. Hindi pa naman ako nagugutom dahil ang dami naming kinain kanina.
Nagbukas na ng pinto pero nagulat ako nang hindi si Arius ang sumakay. Mabilis nitong sinara ang pinto at tinakpan ang aking bibig. Hindi rin ako nagpatalo at hinawakan ang palapulsuhan nito.
"Evony," I hissed.
"Just don't shout."
"I won't." Hinila niya na ng kamay niya sa pagkakahawak ko. Bigla na lang kasi siyang sumusulpot at pumasok pa siya rito ng walang paalam. "Anong kailangan mo?"
"I told you, Scarlet. Stop what you're doing right now."
"I don't care, unless you'll going to tell me why." I demanded but she jus exhaled.
"I won't."
"Then don't expect me—" nagulat ako nang kagatin nito ang hinlalaki niya at bago ko pa malaman, naipahid niya na ang dugo sa labi ko.
"Anong ginawa mo?" Pinilit ko na tanggalin pero nalasahan ko na ang dugo. It tastes like metal.
"Hope that will make you awake of these delusions." She warned and then she swiftly went out of the car, she left it open and then disappeared.
Napahawak ko sa leeg ko nang makaramdam ako ng kati roon, bigla rin akong nauhaw. What the hell did she do to me?!
"Hey," Arius called when he noticed that the door is open. Nakabalik na pala siya. "What happened here?"
"Do you have water?" I asked with hoarse voice, I was also surprised with myself. Arius looks suddenly alert on what he've just witnessed.
Madali niya akong nabigyan ng isang bote ng tubig at halos maubos ko na 'yon, hindi pa rin nawawala ang pagka-uhaw ko.
"Okay ka lang?"
"Home," My voice was still the same, hoarse "Let's go home."
Huminga ako ng malalim nang magsimula na siyang magpandar ng kotse. A little bit faster than what he used to. He didn't asked anything and I am grateful for that because I don't think I could speak right now.
Hindi na ako makasandal sa upuan at nakayuko na lang, pilit akong lumulunok pero mas lalo lang itong nanunuyo. I cursed when I concluded that this is because of Evony's blood.
I thought she could only move faster? She could also do something like this with her blood?
Kumapit ako sa dashboard dahil mas lalong tumitindi ang pagkauhaw ko. Sinilip ko pa kung nasaan na kami pero tanging pag-hawak lang ni Arius sa kamay ko ang naging sagot.
BINABASA MO ANG
[3] Under Her Scars
Science FictionScarlet Loren had a terrible accident but still ends up living the next day. Despite of the mysteries, she chose to live normally and didn't bother to dive deeper into it. All that she could think of is; she's alive. She's satisfied on working in Wh...