09

42 14 10
                                    

"Hi!" Napahinga naman ako nang maluwag nang may dumating na costumer. Hindi na pala ako humihinga habang hinihintay si Saki dahil sa excitement.

"Mamaya na lang," I subtly smiled at him and he just nodded.

Kinausap ko na 'yung babae na kadarating pa lang. Mukhang excited 'yung babae dahil sobrang saya niya. Napatingin ulit ako sa pinto nang bumukas 'yon, nag-iba ang mood ko nang makilala ko ang taong dumating.

Arius waved his hand at me but I just rolled my eyes, buti na lang hindi nakita ni Hana, yung bagong costumer. Hindi ko pinansin si Arius at nagpatuloy lang sa pakikipag-usap sa kliyente ko.

"Calligraphy lang po ng name na Kellan," humagikgik pa ang babae sa harap ko, kaya naman nagsimula na rin kaming mag-usap sa design at place ng tattoo.

Pinanatili ko ang focus ko sa costumer at hindi tumitingin sa paligid kahit ramdam kong may nakatitig sa akin. Ilang oras pa ang nakalipas at nakaramdam na ako ng gutom. Mabuti na lang maliit lang 'yung pinapatattoo nung babae.

"Take care, Hana. Nandiyan na lahat 'yung mga gagawin. If you have a problem, just call me in this number." sabi ko bago siya tumango at umalis.

I looked at where I left Saki but I was surprised when Arius was sitting besise him. They were talking about something—more like, Arius blabbering nonsense things.

"How do you do the shading?"

"I'm still learning, but it depends on the density of the layout, depth and pressure, dillution of the ink. Basta, yun lang ang natandaan ko." Nag-usap pa sila ng kung ano-ano. Ang lakas pa makatawa ni Arius pero si Saki naman ay awkward lang na sumasagot sa kaniya.

Dumating na rin sila Hosuh at Sunny na senyales na kami naman ang magla-lunch ni Saki.

Tinawag ko naman si Saki kaya sabay silang lumingon sa akin, "Let's go."

"Kakain na kayo? Sama ako," sabi naman ni Arius. Pinilit ko na hindi siya pansinin hanggang sa makalabas kami ng shop. Saki and I were walking side by side, and Arius was just catching by.

"Where are we—"

"Sa convenient store na lang ulit tayo, Saki. Gusto ko ulit mag-cup noodles." bahagya pang nagulat si Saki sa akin dahil siya ang kinausap ko.

"Hindi ba doon rin tayo kumain kahapon?" he asked.

"Grabe ang pagtitipid natin a," Arius switched his place and walk beside me instead. Napa-irap tuloy ako at tumingin na lang sa direksyon ni Saki. Naramdaman naman ni Saki 'yon kaya mas nailang lang siya.

"Saki, kasabay mo na palang kumain 'to? Dang, I wish I was there. I felt like we could talk about a lot of things, bro." Arius' words were starting to get weirder and it's annoying me to know that he didn't want to be left behind. Siguro nakukunsensiya na rin kasi hindi ko siya pinapansin.

Naiipit tuloy si Saki sa aming dalawa. Napahinga na lang ako ng malalim at tinignan na si Arius.

"Stop befriending Saki," naiiritang sabi ko.

"Why not?" inosenteng tanong nito na mas nagpa-inis sa akin. "Okay naman kami ni Saki, a. Diba, dude?"

"Sure," I just gave him an apologetic and awkward smile. He just shrugged in return.

"Kinakausap mo na ba ako ngayon, Scar?" I grimace at the nickname that he just mention. I hate that. Ang baduy.

"Kung saan ka masaya, bahala ka." Feel ko talaga mababaliktad na ang mata ko sa kakairap pero parang wala lang talaga sa kaniya at natutuwa pa siya.

[3] Under Her ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon