Amaranth Majorelle died in November 31, approximately 24 years ago. She died from drowning when she tried to escaped her parents but her parents didn't let her go and retrieve her from death by sacrificing two people.But it's no sacrifice, it was a murder to save an innocent child.
Ayokong gumising dahil alam kong pagbangon ko ay kailangan kong kausapin si Arius. Pero hindi nakikisama ang katawan ko dahil hindi pa sumisikat ang araw ay gising na gising na agad ako.
Binasa ko na lang ulit ang mga nakalagay sa dokumento at hindi na matanggal ang tingin ko sa isang larawan kung saan nakahospital gown ako at nakatulala lang habang may dalawang tao ang nasa gilid ko at nakangiti.
My parents.
Sa unang pagkakataon, tumulo ang luha ko. Nang mabasa ko ito ay hindi ako naniwala at gulat sa mga impormasyon. Hindi ko na tinangkang basahin ulit dahil ayokong tanggapin. Nakakalula.
Pero nang sabihin ni Arius na ang mga magulang niya ang ipinalit para sa akin. . . Ptangna.
Sinabi lang dito na may dalawang tao na ibinuwis para lang mabuhay ulit ako. Wala akong ideya kung paano nila ginawa 'yon. Tanging pangalan ng dalawang tao lang ang alam ko sa mga nagsakripisyo.
Anneliese and Jasper.
Ito siguro ang dahilan kung bakit pinipigilan ako nila Evony at Phoexe na malaman.
Nagulat ako nang bigla na lang nagbukas ang pinto. Napalunok ako nang makita ko na nakatayo si Arius habang nakatingin sa dokumentong hawak ko. Hindi ko na itinago pa ang mga ito.
Lumapit siya at unti-unting tinignan ang mga papel na nakapatong sa kama ko. Nakita ko kung paano maging blanko ang ekspresyon at ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko sa takot.
Hinayaan ko siyang tignan ang lahat ng 'yon at sa bawat segundong wala akong naririnig na salita sa kaniya, mas lalo lang kumakawala ang puso ko.
I don't know what to say.
"Who gave this to you?"
I gulped before answering, "Evony,"
"When?" His tone was his usual professional voice.
"The day when I figured out that Saki was meeting her."
"You said that two months ago, alam mo na at hindi mo sinabi sa akin?" matalas na tanong niya.
"Binuksan ko lang 'to noong nakaraang linggo." Nakita ko na tumaas ang kilay niya sa sinabi ko, kinagat ko ng labi ko dahil kinakabahan na talaga ako sa titig niya.
"You didn't look like you found out something. . . big that time. You've been hiding this from me?"
"No. Ang sinabi lang dito may dalawang nagsakripisyo, wala akong alam na magulang mo 'yon."
Nag-igting ng panga niya at umatras, huminga ito ng malalim.
Lagi niyang sinasabi na sobrang saya nila noon, na natatandaan niya lahat ng kalokohan ng kaniyang pamilya. At nang mawala ang mga magulang niya, maraming nagbago sa kanilang dalawa ni Sirius. Alam ko dahil lagi niyang sinasabi sa akin.
"Anong balak mo diyan?"
"Hindi ko alam," sagot ko at binalik ang mga dokumento, napamura pa ako dahil natuluan ng luha ko ang dokumento.
"Wala ka talagang balak sabihin sa akin,"
"Basahin mo na lang 'to."
"Wala ka talagang sasabihin?" Balik na tanong niya kaya hinarap ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/268985695-288-k963587.jpg)
BINABASA MO ANG
[3] Under Her Scars
Science FictionScarlet Loren had a terrible accident but still ends up living the next day. Despite of the mysteries, she chose to live normally and didn't bother to dive deeper into it. All that she could think of is; she's alive. She's satisfied on working in Wh...