🚨 Savior
Peach Elliey"s POV
"Bakit ba naman kase gabing-gabi ka na umuwi?" tanong ni Naile habang nagda-drive matapos kong ikwento ang nangyari kagabi.
"Naaliw lang nga. Bakit ba ang kulit mo?!" simangot ko sa kanya.
"Joke lang naman!" bitaw nya sa manubela saka nag-peace.
"Umayos ka naman sa pagda-drive mo, mamaya mamatay tayo ng wala sa oras eh." at amba ng batok sa kanya.
"Oo na! Oo na! Eh tungkol "don sa lalaki, nalaman mo ba yung pangalan?"
"Hah! Sa lahat ng tanong, "yan pa talaga ang napili mo?" inis na singhal ko sa kanya, "Hindi ko nalaman at wala na "kong balak na alamin."
"Okay sabi mo eh!" at nanahimik na.
Papunta na kami sa Mall para mamili ng school supplies pero bago ako payagan ay sandamakmak na paalala muna ang binigay sa"kin ni Paps dahil sa nangyari kagabi.
Ilang minuto lang at nag-park na si Naile nang makarating kami sa Mall. Papasok na kami sa NB (National Bookstore) nang may mapansin akong pamilyar na mukha pero nang hanapin ko ay wala, namalik mata lang ata ako.
"Bilisan mo naman Peach!" Tssk, tinopak na naman si bruha.
"Ikaw kaya mauna "no?" inis ring sabi ko sa kanya.
"Kumuha ka na ng cart." na sinunod ko rin naman matapos ko syang irapan.
Nahawakan ko na ang cart ng may makasabay na naman akong kumuha at kapag minamalas ka nga naman ay sya ulit.
"Bitaw!" utos ko sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay.
"Ikaw ang bumitaw!" tinaasan ko lang rin sya ng kilay.
"Baka sabihin mo na namang ikaw ang nauna, Kenbu?!" mapang-asar na tanong ko sa kanya.
"Eh totoo naman, paperweight na pandak nerd." mapang-asar nya rin sagot.
"Hindi ikaw ang nauna Kenbu kaya bitaw." sabay hatak ng cart pero mahigpit nya yung hawak kaya hindi ko nakuha.
"Marami namang ibang cart bakit ka pa nakikipag-talo sa"kin?" at turo sa mga cart.
"Marami namang ibang cart bakit ka pa nakikipag-talo sa"kin?" panggagaya ko sa kanya sabay turo rin sa mga cart.
YOU ARE READING
SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSS
FanfictionHi!!! I'm Newbie Here in Wattpad and I Hope you like my FIRST ever PUBLISHED STORY ✌️✍️ Actually, Hindi TALAGA ako sanay mag sulat pero susubukan ko itong tapusin ng 1 MONTH ..😄✌️ I think KASI baka nakapag 2nd PUBLISHED pako ng Another Story Befor...