CHAPTER 29

2 1 0
                                    

🎇 It"s A Prank

Stuart Cievhastiane"s POV

"Hi Dean." upo ko sa harap nya at nagpa-cute.

"How"s Gem?" lapit nya sa akin.

"She"s having a great rest. Mag-iisang oras na nga syang hindi nagmumulat ng mata. Kase usually, hindi "yun straight." huminga naman sya ng maluwag.

"Mabuti naman. Dumagdag pa kase si Mister Fartha eh." napaseryoso naman ako, "May pinatay na naman sa school na "to."

Nilapitan ko sya at niyakap, "Hindi ikaw ang may kasalanan n"un ok---"

"Pero ako ang Dean. Ako ang dapat na nagpapanatili ng kaligtasan nila."

"Shh. Tutulungan kita, okay? Tutulungan ka namin ni Poseidon." humiwalay sya sa akin at pinunasan ang mukha.

"Huwag na. Makakahalata si Mister Fartha na magkaka-ugnay kayong lima. Alam mo namang ako lang ang nakaka-alam na pamilya kayo "di ba? Bukod sa mga kaibigan ng mga pinsan mo." napabuntong-hininga naman ako.

"Basta. Tutulungan ka namin." ngiti ko sa kanya, "Pero... Kamusta pala ang taba na Dean namin?" ngisi ko ng malawak.

"Ulupong ka rin eh! Umalis ka nga dito! Baka gusto mo ikaw naman ang sumunod? Huh? Sabihin mo lang, nang mahanda ko na ang itak ko dito!" napatawa ako at lalo pa syang inasar.

"Lara Flores matabaa." ( Idol kita Miss Lara, "wag po sana kayong magalit )

"Hah! "Pag ako namayat, hindi na kita kilala! Maghahanap ako ng lalaki na sobrang gwapo! Mas gwapo pa sa kahit na sino! Kahit na sayo!" natigil ako sa pagtakbo at humarap sa kanya.

"Ano?!" diin at tiim-bagang na dahan-dahang lapit sa kanya.

" "Pag nama---" hindi nya natuloy nang mabilisan syang umatras ng lumapit ako sa kanya.

"Cornered." tuon ko ng mga kamay ko sa desk nya saka lumapit lalo, "Walang mas gagwapo sa akin Lara. Hindi kita hahayaan na mamayat dahil gusto ko, walang ibang lalaki na magpapantasya sayo. Gusto ko kung ano ka magmula noong una na minahal agad kita. Hindi kita hahayaan na may makilalang ibang lalaki na mapapalapit sayo, tanging pamilya ko lang at pamilya mo ang hahayaan kong makalapit sayo gaya ng Kuya mo. Maliwanag? Honeybunch?" tingin ko sa mata nya.

"A-ano ba Stuart. N-nasisiraan ka na ba? Umalis ka ng---" hinalikan ko sya sa noo.

"Hindi ko hahayaan na may ibang lalaki kang susuotan ng sing-sing bukod sa akin, Lara." umayos ako ng tayo, "Kailan mo "ko sasagutin?"

"Ano?! Ni hindi ka pa nga nanliligaw tapos sagot na?!" tumawa ako.

"It"s a prank!" lalo akong natawa sa mukha nya.

"H-hah! U-umalis ka n---" natigil ako nang makita syang umiyak, "UMALIS KA NA!" lumapit ako sa kanya pero lumayo sya, "Akala ko totoo! Akala ko gusto mo rin ako! Pero hindi pala! Ang tagal na kitang gusto pero nakuha mo pa "kong lokohin! Bakit ba "ko umasa, alam ko namang hindi ako ang tipo m---" niyakap ko sya at hindi na napigilang mapa-iyak.

"Gusto mo lang ako. Napakadaya mo. Mahal na mahal kita eh." yumakap rin sya sa akin kalaunan at pinatahan ako.

"It"s a prankkk!" ano? "Galing ko umiyak "no? Hahah!" hinarap ko sya at lalong umiyak.

"Lara totoo "to." natigil rin sya at umiyak, "It"s a prankkk!" niyakap ko sya ulit at mas mahigpit na.

"Prank ka ng prank. Umalis ka na nga. Ang panget mo umiyak." nilaro ko lang ang buhok nya at lihim na ngumuso.

"Totoo na lahat "yun, wala nang prank."

"Maniwalaaa."

"Sa Vigan. D"un kita unang nakita. May nakapalupot na jacket sa beywang mo at nagpakuha ka ng picture. Simula d"un, sinundan na kita. Ewan ko pero n"ung kumain kayo sa isa sa mga maliit na restaurant d"un, nagkataon pa na puno. Naka-isip ako ng ideya, na maki-upo sa table nyo. At d"un, d"un mo na "ko nakilala. Hindi ba tabachoy kong baboy?" tiningnan ko ang mukha nya at nakita ang pagkagulantang.

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now