👑 Queen Of All Gangsters
Precious Gem"s POV
"Paalam na..." isinaksak nya iyon sa kaliwang balikat ko at pina-ikot pa, "Pero syempre... Dapat paunti-unti." hinugot nya pataas iyon at isasaksak na ulit sa akin ng sipain ko sya at paibabawan.
"Dapat talaga pinatay na kita noon pa! Sana hindi na "ko nag-aalangan pa dahil sa pangako ko kay Ate!"
Tumawa sya, "Kung alam mo lang kung gaano kahudas ang ate mo."
Natigilan ako, "Anong pinagsasabi mo?"
"Sya ang may gawa ng tatlongpong malalalim na guhit na saksak sa dibdib ng isa sa mga alaga ko bago namin sya natagpuan na wala nang buhay at nakalambitin sa ilalim ng tulay sa bulok nating school noon."
Nagulantang ako sa narinig. Pwedeng nagsisinungaling lang sya at dinudumihan ang ate ko. O "di kaya ay in---
Nalaman ko na lang na nakasalampak na ulit ako sa sahig at tinatadtad ng saksak. Bago ako tuluyang manghina ay nakita ko si Ate. Sinipa si Gun pauntog sa pader at pinaulanan ng suntok.
"Hindi ka na talaga natuto!" bago ihagis si Gun palabas sa bintana ay isinaksak na muna nya ang espada sa kanya at binalingan ang mga alalay na naiwan, "Bakit hinayaan nyong saktan nya ang kapatid ko!?" nilapitan nya ako at ipinatong sa bisig nya, "Naandito na si Ate, huh?" bumaling ulit sya sa mga alalay ni Gun.
"Wala kaming ibang magawa, Santiago. Nakapalibot kani-kanina lang ang mga tapat nyang alagad. Mas marami sila kesa sa amin." kinuha nya ang espada sa tabi ko at ini-itsa iyon sa lalaki.
"Napaka-t*nga mo! Humanda ka sa akin! Kasama na "yang mga "yan. Pero kung suswertehen kayo, baka si Kuya Art at Kuya na lang ang bahala sa inyo!" binuhat ako ni Ate pasan sa likod nya bago sumunod ang mga bagong kaibigan namin at doon na ako tuluyang nawalan ng malay.
Rant Clyde"s POV
Kinuha ko kay Pandak ang kapatid nya at nagpauna na sa sasakyan ko. Nakasunod sila sa akin at dinala na sila sa bahay nila. Marami na ang nawalang dugo sa kanya, nasa likod si Pandak katabi ang kapatid nya habang si Nieckah ay nasa tabi ko.
"Pakibilisan mo pa ng kunti please!" naiiyak na sabi nya.
Hindi na ako sumagot dahil kanina ko pa binilisan, sagad na "to. Malayo pa ang bahay nila sa school kaya mas nagpa-panik na sya.
Pinindot ko ang secret button ng sasakyan ko bago kusang napa-seatbelt ang lahat, pagkatapos noon ay pinalitan ko ang manubela at pinabilis ang andar na triple pa sa una nitong bilis. Narating namin ang bahay nila habang naka-abang na ang kuya nila. Pagkahinto na pagkahinto ay kinuha nya agad si Precious at ipinasok sa loob ng clinic ng bahay nila. Sumunod naman ako kay Pandak na pumunta sa living room nila dahil wala pa ang iba.
"Hunt Gun! Bring that sh*t in Stuart"s place!" pagkatapos noon ay ibinaba nya na ang tawag.
"Ikaw si Dren?" gulantang na tanong ko bago nya ako masamang tiningnan at hinila palabas.
"Huwag na huwag mong sasabihin kay Kuya ang mga nalaman mo!" diin nyang sabi sa akin.
"So ikaw nga?" nanlalaking-matang tanong ko.
"Oo na! Basta "wag mo lang sabihin kay Kuya pati kay Precious pati ka---"
"Tayong dalawa lang." zip ko ng bibig ko.
"Pati si Kuya Art." kunsomeng hawak nya sa noo.
Napatawa ako bago hawakan ang magkabilang balikat nya, "Pero paanong ikaw ang queen of gangsters?"
Nangunot ang noo nya, "Queen of gangsters?"
Nangunot rin ang noo ko, "Ikaw ang binansagang queen of gangsters ng underground playground. Pero ang ipinagtataka lang namin, hindi ka naman nakikisali sa competitions at napunta sa underground pero binansagan ka pa din nila ng ganon?"
YOU ARE READING
SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSS
Fiksi PenggemarHi!!! I'm Newbie Here in Wattpad and I Hope you like my FIRST ever PUBLISHED STORY ✌️✍️ Actually, Hindi TALAGA ako sanay mag sulat pero susubukan ko itong tapusin ng 1 MONTH ..😄✌️ I think KASI baka nakapag 2nd PUBLISHED pako ng Another Story Befor...