CHAPTER 27

2 1 0
                                    

(A/N) SO YUN 1RST Authors Note ko ito Sawadika,Konnichiwa Hihihi
Ito na nga ung Hinihintay ng mga Nagbabasa dyan Kung MERON man sana dumami pa kayo HAPPY 2 READS 👏👏👏👏👏

Keeping Enjoying!!!



🔢 Nieckah"s Condition

Peach Elliey"s POV

"Ako na muna ang bahala sa mga students na nagbibisyo dito sa loob ng campus. Sa pag-aambag para sa design ng room, pwede mong makatulong ang kapatid mo o kaya naman si Saihe o kung ayaw mo sa kanila pwede sa mga lalaking "yan. At "yung iba tulungan mo na lang ako." nakakapagtaka lang.

"Bakit hindi mo nabanggit si Nieckah?" tanong ko sa kanya at tingin kay Nieckah na kumakain at nakikipagkwentuhan kay Precious.

"Hindi nya pa ba nasasabi sa inyo?"

"Ang alin?" sabat na nya.

"Your condition. Hmmm, about "Alien Word" ?" natahimik ang lahat maliban sa aming tatlo ni Naile.

"H-hindi naman importante "yun Preshident." aligagang sabi nya.

"Nieckah?" mapang-unawang baling sa kanya ni Precious.

"Hindi ko na shana shashabihin sha inyo kashe baka iwashan nyo din ako kagaya nung mga naging kaibigan ko." naiiyak na sya.

"Ano ba "yun?"

"May arithmophobia ako."

Ano? Sprikitik?

"Fear of numbers?" tanong naman ni Naile.

"H-hindi naman ako takot sa alien word na "yun eh. Hindi ko lang talaga maintindihan, shimula "nung bata pa "ko ganun na talaga tawag ko sha mga numbersh na tinatawag nyo."

"Oh bakit ka nagka-cry?" taka ni Precious.

"H-hindi nyo ba ako iwashan?" tingin nya sa akin.

"Bakit? Curious nga ako sa mga alien eh. Kung nakasakay ba sila sa asteroids o kinakain nila "yung hangin eh."

"Maaarte lang talaga "yung mga nauna mong kaibigan." tapik ni Naile sa balikat nya.

Tiningnan nya si Precious na tahimik lang, "I-ikaw?"

"Nawewerduhan lang ako eh. Nakakahawa ba "yan?"

Napayuko sya at umiyak na, "H-hindi ko alammm."

"Hahah. Joke langgg! Si Hiyas nga mukhang Alien eh, nag-avoid ba me sa kanya?" tatawa pa sana sya kaso bigla na lang syang kwenelyuhan pataas ni Hiyas.

"May narinig akong Hiyas, baby? Sino "yung alien?" angat nya ng cake at kindat sa akin.

"B-baby Hiyas. Anong doing mo here?"

"Your Ate texted me to deliver your cake eh." ngiti nya at humalik kay Precious.

"Ganon ba?" kabado nya.

"Now, sino "yung alien? Ha baby?" humalik lang sa kanya si Precious at umiling.

"Nothing "yun. Sige na, go home ka na baby."

"Tinataboy mo ba "ko baby?"

"H-hindi ah! Baka kase Nanay Celestia calling you na eh."

Ngumiti si Hiyas at yumakap, "Sige na. Alis na "ko. Bye-bye." lakad nya.

"Nasaan ang akin Perlas?!" inis na sigaw ko sa kanya.

Lumapit sya at tangkang humalik, " "Yung ice cream! Hindi halik. Gag--- gallon." buntong-hininga ko.

"Napakasama mo talaga! Nasa loob ng box! Pinasobrahan pa ni Tatay "yan kase alam nyang matakaw ka!"

"Aba mayabang ka na ha?!" tayo ko at bato sa kanya ng panyo ko.

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now