CHAPTER 18

2 1 0
                                    

🆚 Stuart Versus Poseidon

Peach Elliey"s POV

"Ate "dun." turo ni Precious habang nakasakay sa likod ng cart kung saan tulak-tulak naman ni Kuya.

"Precious, masyado kang maingay. Bawas-bawasan mo ng unti." sabi sa kanya ni Kuya na ikinasimangot nya.

Nakatingin lang kami ni Naile sa kanila habang sinubukang bumama ni Precious sa cart pero hindi tinanggal ni Kuya ang braso nya sa pagitan ni Precious, kaya ang magaling na Precious, lalong sumimangot, "Ang sabi ko bawasan hindi tumigil." saka sya ngumisi ng matindi sa akin, "Kumuha na lang kayo ng bagong cart." bumaba si Precious at tumingin sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Kasya pa naman po Ku---" natigil sya nang bigla syang buhatin ni Kuya bago ilagay sa loob ng cart saka itulak ito nang mabilis. Tatawa-tawa kami habang nakatingin sa kanilang palayo.

"Naile?"

"Hmm?"

"Ang baklang "yun. Ang kapatid ni Baboy. Mahal na sya ng kapatid ko." malalim na buntong-hininga ko.

"Oh ano naman?" baling nya sa"kin.

Tumingin ako sa kanya at saka ulit nagbuntong-hininga, "Kanina sa kwarto ko, naghanap ako ng impormasyon tungkol sa baklang "yun at nakita na dalawa hanggang limang may hitsurang lalaki ang madalas nyang kausap. Ayokong masaktan ang kapatid ko sa kanya." tinapik lang ni Precious ang balikat ko.

"Tandaan, hindi mo mapipigilan ang nararamdaman. TANDAAN mo Peach." saka sya tumalikod. Napa-upo na lang ako sa tabi ng isang stall ng mga canned goods habang nakayuko sa tuhod ko at hinintay na bumalik si Naile.

"Pandak?" inangat ko ang ulo ko sa pagkakayuko at nakita ang Kenbu.

"Oh bakit ka nandito?"

Taas kilay naman nya akong sinagot, "Ikaw ba may ari ng mall?" napa-irap na lang ako at yumuko ulit, "Ano na naman ba ang problema mo?" saka ko naramdaman ang pagtabi nya sa akin.

" "Yang bakla mong kaibigan, gus--- mali, mahal na ng kapatid ko." habang nakayuko pa rin.

"Ano naman?"

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya habang nakahiga ang ulo ko sa brasong nasa ibabaw ng tuhod ko, " "Yun na nga. Wala namang problema sa akin kung magkagusto sya sa baklang "yun. Ang problema lang, walang kasiguraduhan ang kapatid ko sa baklang "yun."

Pinitik naman nya ang noo ko bago umakbay sa akin, "Kung mapapatino sya ng kapatid mo, siguradong may kasiguraduhan ang kapatid mo sa kanya."

Bumuntong hininga na lang ako at sumandal sa kanya.

Nakatingin lang kami sa mga taong dumadaan habang nakatingin sa amin kaya nangungunot ang noo ko, "Ano bang problema nila?" bulong ko sa sarili.

"Me" katabi ka kaseng gwapo." agad ko syang nabatukan at tumayo nang makita si Naile.

"Hi Rant." ngiting bati nya sa Kenbu.

"Hi Naile." kaway naman ng magaling.

Sinamaan ko ng tingin si Kenbu at saka sya inimbita. Nasabi ko rin naman na kanila Paps "to kanina, "Punta kayo sa bahay, may celebration mamaya. At kung pwede, "wag mo nang sabihin sa bakla ang sinabi ko. Kung ayaw ng iba, "wag mo nang pilitin." ngiti naman syang tumango at kinuha ang cellphone.

Saka ako bumaling kay Naile, "Tara na."

"Hindi ba natin hihintayin si Rant?" napasimangot na lang ako at hinintay sya.

"Susunduin ko na sila. Saan nga pala ang bahay nyo?" kinuha ko ang cellphone nya at ti-nype ang address namin.

"Sige na. Mga 9:30 kayo punta ah. Bye-bye." saka na kami tumalikod at naglakad na paalis.

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now