CHAPTER 16

2 1 0
                                    

🏁 L.I.B.I.N.G "s End

Peach Elliey"s POV

Magmula kanina ay hindi na naman ako pinansin ni Precious, hanggang dito sa bahay ay wala pa rin.

Kaunting kanin at ulam lang para sa dinner ang kinuha ko, tahimik at tunog lang ng kutsara"t tinidor ang maririnig. Ilang minuto pa ay nabulunan si Mamay na nasa harap ko at katabi ni Lola kaya agad ko syang binigyan ng tubig, "Dahan-dahan lang kase, May." sabi ni Kuya na nasa kaliwa ko.

"Hihih, sorry naman." matapos nyang uminom, ipinagtuloy na namin ang pagkain nang magsalita naman si Paps.

"Ano kaya ang problema ng mga anak natin, May?" saka sya nagsalin ng tubig sa baso nya.

"Problema? Mukhang wala naman Paps ah." inosenteng tanong ni Mamay sabay simpleng kindat sa akin na nahuli naman ni Paps.

"Elliey? Ano ang prob---" naputol ang sasahihin nya nang tumayo at ngitian ko si Paps matapos ilagay ang plato sa sink at sabihin ang my fantastic word...

"Salamat sa pagpresintang maghugas, Paps." saka dali-daling umakyat.

"Ellieyyyyyy!" napatawa na lang ako bago isara ang pinto.

* Flashback */

"Anong nangyari sa mukha at kamay mo, Elliey?" napatingin naman ako sa kamay ko at nag-angat ulit ng tingin kay Paps na maagang dumating galing restaurant.

"Naghahabulan po kami ni Precious nang may naka-usling pako akong nasabitan at tumama sa cute na mukha ng anak nyo, at saka ako na outbalance na naging dahilan ng pagkadapa ko kaya ako nasugatan sa kamay Paps."

"Sinasabi na nga ba. Nako, ikaw na bata ka talaga, sinabihan nang mag-ingat eh. Sige na, umakyat ka na at magpalit ng pang-bahay at linisin yang sugat mo."

* End of Flashback */

Sige ako na, "magaling magpalusot, "wag tularan"

Agad na akong dumamba sa kama at pinag-aralan ang blueprint ng school, thirty-three buildings ang meron para sa mga student rooms at malawak na dump site, gymnasium, cafeteria na may sekretong tambayan sa likod nito kung saan may bintana. Pool area, field, at kung anu-ano pa.

Napa-unat na lang ako matapos tapusin ang dapat tapusin at nang matapos ay tinapos ko nang magligpit dahil tapos ko nang mapag-aralan ang pinapa-aral sa akin ni Myspres.

Napalingon ako nang biglang pumasok si Mamay saka tumalon sa kama ko at nagtalukbong, " "Pag hinanap ako ng Paps mo sabihin mo kanina pa "ko nandito a---"

Natigil si Mamay at patagilid na nagtulog-tulugan ng biglang may kumatok, tumingin ako sa pinto at nakita si Paps na nakadungaw, "Nandy---" natigil sya nang mapatingin kay Mamay na todo kung magtulog-tulugan, "Kanina pa ba sya dyan?" alangan naman akong tumango kay Paps, napatuwid ako ng upo nang ngumisi sya ng matindi bago dahan-dahang pumasok ng tuluyan at saka pinanggigilan ang pisngi ko, "Naaamoy ko ang pagiging artista ng Mamay mo ngayon." bulong nya na nakapagpabungisngis sa akin bago sya hayaang gawin ang balak nya kay Mamay.

Tahimik lang akong nakatingin kay Paps na pumunta sa kabilang gilid ng higaan ko kung saan nakatalikod si Mamay kay Paps at nakaharap naman sa akin si Mamay. Huminga muna ng malalim si Paps saka nya hinipan ang tenga ni Mamay, "Wahh! Nakikiliti ako Paps! T-tama na, hahaha!" tinigil nga ni Paps ang pag-ihip sa tenga ni Mamay pero kiniliti naman nya ito sa tagiliran dahilan para mas makiliti si Mamay at mapa-igtad. Itinigil ni Paps ang pagkiliti kay Mamay kaya nakahinga na si Mamay ng maayos, binuhat na ni Paps si Mamay saka ako hinalikan sa noo.

"Goodnight Elliey, sweet dreams."

"Goodnight din Paps, May. Sleep tight." saka ako yumakap sa kanila ni Mamay na nakanguso.

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now