🔫 Mafia Boss
Poseidon Grey"s POV
Abala ako sa paggamot kay Peach nang maka-amoy ang baril at kung ano-ano pang delikadong kagamitan. Agaran akong napalingon kay Precious nang biglaang tumapang ang amoy ng pulbura.
Napigilan ni Paps ang ilan pang mga bala na pinuntirya si Precious gamit ang baril na may silencer at ang nakakapagtakang hindi "n"un pagsabog, pero biglang iniba ng mga lalaki ang target nila at si Hiller ang napagkadiskitahan.
Habang nililinis ni Precious ang sugat ng lalaking "yun ay tumulong na rin si Mamay kay Paps, sina Tito Jullciey at Tita Melissa naman ang nagpakalma kay Addy na kanina pa umiiyak sa takot.
Nang matapos ako ay naabutan ko pang humalik ang kapatid ko sa baklang Hiller bago, "Ni isa sa inyo, walang karapatang saktan sya!" at agad na pinaputukan ang lalaking nakatama kay Hiller, matapos ng isang putok sa bandang litid ay sinunod nyang brutal na patayin ang iba pa, "Tamang-tama. Nanggigigil pa naman akong patayin ang h*yop na alaga nyong Tieyanna." magkabilang mata at noo ang palagi nyang puntirya. Tsss.
Kumuha na rin ako ng pwedeng pang-ubos at nakita ang mga sniper dart pins ko. Sinugurado ko munang maayos ang lagay ni Peach bago ako bumira. Easy"han lang "to dahil kahit na ga"no pa "yan kalikot, tatarak talaga "to sa puso nila. Kaming tatlo kaya ang champion sa dart competition.
Natapos ang kaguluhan bago pumasok ang mga lalaking naka-itim, handa ko nang pitikin ang dart pin nang, "Poseidon. Precious. Hindi sila kalaban." nang tingnan ko si Precious ay ihinagis nya na ang baril sa lapag at pinuntahan si Hiller.
"Okay ka lang ba talaga?" tumango lang si Hiller bago sya halikan ulit at yakapin ng kapatid ko. Nakaka-ilan ka na ah! "Stuart. Alam mo na kung saan ilalagay ang hindi ko pinatay." sumaludo lang si Tukmol at ginawa na ang sinabi ni Precious.
Pinuntahan ko naman si Paps at nagtatanong na tinuro ang mga lalaki, "Sino "yang mga "yan Paps?"
"Anak. Mamaya na natin pag-usapan ang mga "to. Lilinisin ko muna at ng mga tauhan ko ang mga kalat at si Tieyanna." tumango na lang ako at pinuntahan na sina Mamay at Precious na nakabantay kay Peach.
Kahit na nililinisan ko iba pang mga sugat ni Peach ay pasulyap-sulyap pa rin ako sa mga tao sa labas, kating-kati na akong malaman kung ano ang nangyayari pero kaya ko pa namang maghintay.
Naramdaman ko na lang na tumabi sa akin si Mamay at hinawakan ang kamay ko matapos kong linisin ang mga sugat ni Peach. "Anak... Poseidon?"
"Ano ho "yun May?" isinandal nya ang ulo ko sa balikat nya na ikinapikit ko at nakapagparamdam sa akin na pagod na ako.
"Kung ano man ang malaman mo sa sasabihin ng Paps mo, sana intindihin mo at "wag mo kaming kamuhian. Hindi namin makakaya ang bagay na "yun." napa-angat naman ang tingin ko sa kanya saka pinunasan ang luha nya.
"Mamay... Kahit na ano pa "yan. Alam kong hindi n"un mababago ang pagiging pamilya natin. Kaya huwag na kayong umiyak." saka ko sya niyakap bago tumingin kay Precious.
"Ate... Pagaling ka po agad po ah... If papasok tayo ng campus dapat we"re together po eh... Pagaling ka agad po Atee..." nagtagal ang pakikipag-usap nya sa ate nya, ang yakapan namin ni Mamay, pagligpit ng gulo nina Paps, Daga, at iba pang lalaki at eyten, pagpapatahan kay Addy, hanggang sa nakatulog na sila Precious sa tabi ni Peach, si Mamay sa balikat ko at Addy sa kandungan ni Tita Melissa.
Inakyat ko na si Mamay sa kwarto nila ni Paps, "Anak. Pakinggan mo ang paliwanag ng Paps mo, at isa na doon ang pagkawala ng asawa mo, si Chesca." agad na nagulantang ang kabuuan ko sa sinabi ni Mamay habang tulong, pero kahit na nanginginig ay kinumutan ko pa rin sya.
YOU ARE READING
SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSS
FanfictionHi!!! I'm Newbie Here in Wattpad and I Hope you like my FIRST ever PUBLISHED STORY ✌️✍️ Actually, Hindi TALAGA ako sanay mag sulat pero susubukan ko itong tapusin ng 1 MONTH ..😄✌️ I think KASI baka nakapag 2nd PUBLISHED pako ng Another Story Befor...