CHAPTER 33

4 1 0
                                    

⁉ Another Problem?

Peach Elliey"s POV

"Pupunta lang sya sa mafia house. Kakausapin "yung girlfriend ng may ari ng teleponong nasayo." nangunot ang noo ko, "Hindi ko rin alam."

Ibig sabihin "yung demony--- nagtakip ako ng bibig ng maalalang nakakabasa pala sila ng isip.

"Peach? May hindi ka ba sinasabi sa amin?" sinasabi na nga ba, "Peach..."

"May isa pang nagte-text sa akin Kuya. Puro six eh. Pero hindi naman kagaya nung kanina. Parang al---" hindi pwede, "Parang may pagkaka-utang ang number na akala nya number ko."

Nagbuntong-hininga na muna sya bago paakyatin si Mamay. Nang bumaba ay binuhat nya na si Precious at Naile na nakatulog na naman pala. Sa kaliwang balikat si Precious at sa kanan naman si Naile. Tskk! Kung ako "yan, hindi ko pa nabubuhat patay na ako. Sa bigat ng dalawang "yan, hah! No way!

" "Di naman kase pinapabuhat sa"yo." sinamaan ko lang ng tingin ang Bisugong Kenbu at napatingin sa natakbong si Shiya.

"Atee." kumandong sya kay Nieckah at nakipaglaro ulit.

"Akala ko umuwi na kayo?" baling ko kay Hiyas.

"Oo nga, pero pinasakay kami ni Tito sa sasakyan nya at dinala ulit dito eh." nagkibit-balikat na lang ako.

"Kuya Art, may may-ari rin ba "yang cellphone mo?"

Umiling lang sya at binigay sa akin iyon, "Tawagan mo ang mafia mo. Sa tingin ko na hack ang phone mo. Nalalaman ng kung sino man "yun ang mga messages mo o kung sino ang katawagan mo." tumango na lang ako.

Ano nga ba number n"un? Ahh! "Yow Blonde."

["Who the hell are you? Im busy."] saka nya pinatay, aba g*go.

Tinawagan ko sya ulit at hinintay ang sagot, ["Want me to kill you?!"]

"That"s how you talk to me? Hydro?"

["D-dren?"]

"Now, are you on your senses now?"

["Sorry, Dren."]

"Kapag nag-text ako sa iyo sa number ko hindi ito, huwag mong gagawin simula ngayon."

["Okay. May kailangan pa ba kayo bukod sa pagpapakuha ng mga alahas?"]

"What the fudge are you saying?!"

["Kanina lang, nag-text kayo sa akin."]

"Hindi. Itigil nyo "ya--- haistt! Nasaan kayo?"

["Highest class jewelry store in New Now."]

"Itigil nyo na "yan. Magkita tayo sa kuta." binaba ko na ang tawag at binalik na kay Kuya Art.

"Halika na Peach." binigay sa akin ni Kuya ang isang jacket at saka na kami pumunta r"on.

"Welcome Boss!" nakatungo silang lahat sa gilid namin habang dumadaan.

"Sya pala ang Kuya ko. Si Kuya Grey." hinayaan na ako ni Kuya at lumihis ng daan papunta sa kusina.

Pinuntahan ko na si Hydro na agad ring yumuko ng makita ako.

"I"m really sorry, Dren."

"Okay lang." umupo na kaming dalawa at nagsimula na.

"Agad kaming kumilos matapos nyong mag-text sa amin kanina lang bago kayo tumawag gamit ang ibang number. Pero hindi namin alam na hindi kayo "yun."

"Someone is playing on me. Kung ang intensyon nya lang ay manguha ng cellphone ng iba, bakit nya pa gagamitin ang number ko. Lahat ng account ko sa social media, novelhd.com o facebook, nasa cellphone na hawak ko. Pati ang pictures at kanta ay naandon pa rin. Imposibleng wala lang "to." kinuha ko ang laptop na nasa harap ko at nagpipipindot doon at lumabas ang ginagawa ni Fartha, "Manmanan nyo sya. At hangga"t maaari, walang susunod sa ite-text sa inyo. Walkie talkie lang ang gagamitin nating connection. At isa pa, ang mga classmates ko, bantayan nyo silang mabuti."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now