🤫 Admirer
Peach Elliey"s POV
"T*nga meron. Pero pili lang. Kung kagaya mo na kasing tanda na ng mga libag mo ang pag-uusapan ay pwede pa. Pero kung kaugali mo lang, hah! "Wag na." tumalikod na ako at papunta na sana sa upuan ng hilain ako ng magaling.
Sinuntok ko syempre bawal manakit kaya... ang hangin na nasa pagitan naming dalawa gamit ang kanang kamay ko dahil hawak ng kaliwa kong kamay na may benda ang kuting na nakapagpatulala sa kanya na nakabawi rin agad.
"Alam mo ba ang patakaran sa sc---"
"Oo naman. Kaya nga hindi kita sinuntok kahit gusto ko eh."
"Eh bakit ang lakas ng loob mong sagot-sagutin ako?!"
"Professor ka ba talaga? Alam ko sa professor maraming alam eh. Ang PATAKARAN sa SCHOOL na "to ay BAWAL MANAKIT NG PROFESSOR, hindi sinabing bawal sagot-sagutin. Kaya nga sa labas ng school kita binugbog eh. Wala kaseng patakaran na bawal saktan ang Fartha na nanonood ng kabalastugan sa gabi eh." ngisi ko sa kanya. Narinig ko pa ang bahagyang pagsinghalan ng mga classmate ko at ang pagtawa nila.
"Oo nga "no? Dapat ginawa ko rin sa kanya "yun noon eh."
"Ibang klase."
"Sa susunod, pupusta na "ko."
"Saang website ka ba nanonood Prof?"
"W*langya ka! Ikaw pala ang may kagagawan ng mga "to." sugod nya sa akin ng suntok pero naka-iwas ako kaya napasalampak sya sa sahig, "Humanda ka. Sisirain ko ang card mo."
" "Yun ay kung magagawa mo. Baka akala mo na hindi ko alam ang ginagawa mo sa magagandang babae dito sa school." na nakapagpangisi sa kanya habang umaayos ng upo sa lapag.
"Ikaw pa lang ang bagong lipat na humamon sa akin, magaling. Pero, lahat ng ebedensya ay wala na."
Ngumisi ako ng matindi sa kanya, " "Yun ang akala mo." nawala ang ngisi sa mukha nya at agad na tumayo para sampalin ako na hindi ko na iniwasan, "Napakahina." pinuntahan ko na si Nieckah na kanina pa nakatingin sa hawak kong kuting, "Kapag walang naghanap, sayo na."
Malapad ang ngiting tumingala sya sa akin, "Talaga? Anong pangalan nya? Babae ba sha o lalaki?"
"Sa ngayon, wala pa syang pangalan at hindi ko alam kung babae ba yan o lalaki." inilagay ko sa kamay nya ang kuting.
"Okay lang. Ako nang bahala sa pangalan nya. "Di ba, Ashtonleish, (ashtonlis) ako na ang amo mo." napatawa na lang ako at bumaling na ulit kay Fartha.
"Maghintay ka." ngisi ko sa kanya.
"Sige. Kahit na pang habang-buhay pa "yan." kinuha nya ang mga gamit sa desk at umalis na. Napatawa na lang ako sa isip.
Nang maka-uwi ay agad na akong nagpalit at agad ding bumaba para ayusin ang mga gagamitin namin mamaya. Hayyy, biyernes na pala. Monday kami naparusahan at nagsimula kaya dahil limang araw at pang limang araw na namin ngayon, ngayon na rin matatapos ang parusa. Lumuhod na kami sa asin ng isang oras, at nang matapos ay nagpahinga lang saglit bago ituloy ulit.
Agad na akong humiga sa kama ko at wala sa ulirat na nakatitig sa kisame habang nakataas ang kaliwang kamay.
"Ano na?" agad akong napahawak sa dibdib nang biglang magsalita si Mamay
"May naman! Bakit ka ba nanggugulat? Hindi po ba kayo kumatok?"
"Iniiba mo ang usapan eh. Anong problema nyong tatlong magkakapatid?" umayos naman ako ng upo at hinarap si Mamay.
"May tampuhan po kami." yukong sabi ko.
"Sunod?" saka sya umakbay sa akin.
Matapos ang pag-uusap namin ni Mamay kahapon ay palagi na akong nandito sa kwarto. Umaga ng sabado ngayon at wala akong ganang puntahan si Naile, wala rin akong ganang manood ng korean drama dahil hindi ko kasama si Precious.
YOU ARE READING
SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSS
FanfictionHi!!! I'm Newbie Here in Wattpad and I Hope you like my FIRST ever PUBLISHED STORY ✌️✍️ Actually, Hindi TALAGA ako sanay mag sulat pero susubukan ko itong tapusin ng 1 MONTH ..😄✌️ I think KASI baka nakapag 2nd PUBLISHED pako ng Another Story Befor...