📩 Transferred
Peach Elliey"s POV
Kinabukasan ay nagpresenta sila Singkit at Mick na ihatid kami, habang sila Baboy, Kuya Bait at Kenbu naman daw ay may kailangang asikasuhin at ngayon ay nandito na kami sa bahay ni Naile, masaya at iika-ika
"Uy Peach, wala ka bang balak magluto, lunch na ohh." reklamo nya habang nakanguso, sarap pitpitin ng kutsara
"Oo na, pasalamat ka na--"
"Salamat." mabilis nyang putol sa akin at ipinag-tulakan pa sa kusina nya, napaka-kapal talaga
Nagsimula na akong kumuha sa ref nya ng kung anu-ano matapos nya akong iwan at manood ulit, tinolang manok
Binalatan ko na lahat ng dapat balatan at hiniwa na ang dapat hiwain, natapos ang ilang oras ay natapos na akong magluto, ihinanda ko na yun sa dining at tinawag na sya para kumain. Ilang ulit na akong tumatawag sa kanya pero wala pa rin kaya napag-desisyunan ko nang puntahan sya at nadatnang tulog
"Sunogggggg!" sigaw ko sa tenga nya na dahilan ng biglaan nya pag-gising
"Nasaan yung sunog?" aligagang tanong nya na ikinatawa ko
"Tara na, luto na ang tinola." hindi ko na sya hinintay pa at bumalik na sa dining
Nang matapos kumain at magligpit ay natulog na naman si Naile at ako naman ay naka-tambay lang sa entrada ng bahay nya habang nakatanaw sa kalawakan
Ilang saglit pa ay nag-ring ang phone ko na nakalapag sa tabi ko
"Oh hello Paps, napatawag po kayo?" masiglang bati ko sa kanya
["Anak, lilipat kayo ni Precious ng school, sa pinapasukan ni Kuya mo, ngayon kung ayos lang ay pwede bang asikasuhin mo na ang mga dapat asikasuhin para sa paglipat nyo?"]
"Bakit kami lilipat Paps?"
["Nako Peach, "wag nang masyadong maraming tanong, okay? Ano ma-aasikaso mo ba?"]
"Opo Paps. Aasikasuhin ko na."
["Mabuti. Sige na, bye."]
"Bye Paps, ingat dyan."
["Ingat ka din dyan."] at natapos na nga ang tawag
Paano na si Naile?
Tutal tanghali pa lang, ay sinimulan ko nang asikasuhin ang dapat asikasuhin. Ilang oras ang hinintay ko bago makuha ang lahat ng dapat kong kunin sa school namin ni Precious, at ngayon ay nadatnan ko si Naile na naka-abang sa akin
"Uy, saan ka nagpunta? Hindi ka pa okay ah?!" tanong nya na nginitian ko lang
"Naile, lilipat na kami ng ibang school." nakangiti ngunit mababakasan nang lungkot na sabi ko
Sya naman ay natigilan nang marinig ang balita ko sa kanya, "N-nagjo-joke ka lang "di ba?" ngumiti lang ako ng malungkot bago umiling
Lumapit sya sa"kin at niyakap ako bago umiyak
"Uy, "wag mong basain yung damit na pinahiram mo sa"kin. Ayoko pang maligo." sabi ko habang pilit syang tinatanggal pero ayaw nya
"Saan ka lilipat? Tuloy na tuloy na ba yan? Kailan?" sunod-sunod nyang tanong habang nagpupunas ng luha
"Kami ni Precious, sa school ni Kuya, oo tuloy na tuloy na at ngayong pasukan na kami lilipat dun." sagot ko na lalo nyang ikina-hagulhol
"Peachh!" tawag nya sa"kin habang nagma-martyang naka-yakap
"Shhhh, tumigil ka na, magkikita pa naman tayo eh." malumanay na sabi ko sa kanya habang pinapatahan sya
Ilang saglit pa ay tuluyan na nga syang tumigil at inaya akong pumasok na sa loob
YOU ARE READING
SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSS
FanfictionHi!!! I'm Newbie Here in Wattpad and I Hope you like my FIRST ever PUBLISHED STORY ✌️✍️ Actually, Hindi TALAGA ako sanay mag sulat pero susubukan ko itong tapusin ng 1 MONTH ..😄✌️ I think KASI baka nakapag 2nd PUBLISHED pako ng Another Story Befor...