CHAPTER 15

4 2 0
                                    

💉 Anesthesia

Peach Elliey"s POV

"Hihi, akala ko kase hindi ka talaga marunong sumuntok eh. Pero kanina ah, ang galing." pumorma pa ako at ginaya ang suntok nya at susuntok na sana ng pitikin nya ulit ang ilong ko, "Ano ba!?"

"Kung hindi ka titigil ay alcohol na lang talaga ang ilalagay ko dyan sa sugat mo." agaran ang natikom at ngumiti sa kanya

"Lagyan mo na, dahan-dahan lang ah?" sinamaan nya lang ako ng tingin at kumuha ng kaunti bago ipahid ng dahan-dahan sa pisngi ko, nung una umiiwas pa ako pero sinamaan nya ako ng tingin kaya nanahimik na lang ako, mamaya alcohol pa ilagay ni hunghang. Pero in fairness, nagaling na syang manggamot

Nang matapos ay nilagyan nya ng band aid at saka inilagay sa kamay ko yung cream, "Gamitin mo yan araw-araw, dalawang beses sa isang araw, umaga at gabi. Sa loob ng pito o walong araw wala na yang sugat mo, wala ring peklat." nang tingnan ko ang lalagyan, kataka-takang walang nakalagay na brand, simpleng babasagin na lalagyan na may silver na takip

"Sira ka talaga, malalim kaya yung sugat ko, imposibleng walang maiiwang peklat at isa pa bakit walang brand "to?" nasapo naman nya ang sariling noo at saka huminga ng malalim, para bang kanina pa sya nauubusan ng pasensya sa akin

"Sinabi nang hindi nga yan magpe-peklat, wala yang brand dahil pamilya namin ang gumawa ng cream na yan." malumanay na paliwanag nya pero halatang pilit

"Kung pamilya mo ang gumawa nitong cream, may ginawa rin ba kayong ice cream? Baka pwedeng bumili? Ano-ano mga flavor, ma--- arayyy!" napa-hawak naman ako sa ilong ko nang pitikin nya yun ng sobrang lakas, "Ang sama mo talaga, nagtatanong lang naman yung tao eh. Sinasabi ko sayo, "pag ako na-pango, susumbong kita kay Paps ko."

"Edi isumbong mo." hamon nya na ikina-inis ko

"Precious ohhh." sumbong ko pero nginitian nya lang ako

"A-ano kase Ate, sobrang big kase ng mama na yan, baka tapakan lang ako, dead na agad ako. Aba, hindi pa nga kami kina-kasal ng mochababe ko oh." turo nya sa bakla nyang katabi sa likod na nandi-diring nakatingin sa kanya, "Bye-bye Ateee." nanlumo naman akong humarap kay Kenbu na naka-ngisi lang

"Angird ohh." sumbong ko ulit nang mahagip ng mata ko si Angird, agad syang nagtaas ng kamay sabay sisipol habang naka-hawak sa ulong umupo sa upuan nya, tsss duwag, "Alis na!" bulyaw ko kay Kenbu na ngisi pa ring naka-pamulsa sa harap ko. Agad kong tinakpan ang ilong ko nang banta nya ulit na pitikin iyon

Lumapit sya at tinapik-tapik ang ulo ko, "Marunong akong gumawa ng ice cream, igagawa kita kapag magaling ka na." saka sya umalis, nagliwanag ang mata ko at sinulyapan syang naka-ngisi sa akin

Magpapa-galing ako kaagad....

"Peashhhhh!" napa-lingon naman ako kay Nieckah na naka amba ng yakap habang naluluha, "Akala ko mamamatay ka na!" saka sya yumakap sa akin at humagulhol

"Masyado pang maaga para mamatay, Nieckah. Tumigil ka na at baka matuluyan ako sa sobrang higpit ng yakap mo." saka ako naubo

"Hihih. Sorry." humiwalay na sya sa akin at ngumiti, "Baka pwede mo "kong turuan ng mga galawan mo, yun bang, pshhh, boom, bogshh, kapawng." napa-iling na lang ako sa kakulitan nya at saka sumandal sa upuan at pumikit. Gusto ko nang matulog at kumain ng sandamakmak na ice cream, feeling ko ilang araw akong binugbog eh, dumagdag pa ang parusa namin. Napa-mulat ulit ako ng may tumapik sa noo ko, agad kong tiningnan ang katawan ko kung may dugo ba syang pwedeng makita. Sa kwelyo at sa manggas ng puti kong uniform ang meron kaya tinago ko ang manggas sa ilalim ng coat at tinakpan naman ng kabilang kamay ang nasa kwelyo

"Gusto mo bang i-uwi na kita?" saka sya umupo sa desk ko at sinuri ang mukha ko

"Hindi na. Mamaya malaman pa nina Paps ang pakikipag-basag-ulo ko dito eh. Ayaw ko pa kayang mapa-layas." ngumiti na lang sya at yumakap din

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now