CHAPTER 13

3 2 0
                                    

🎰 Gamble

Peach Elliey"s POV

"Tskk! Nawiwili ka na sa yakap ko." bumitaw na ako sa kanya bago pa sya makasagot.

"Tss! Baka nga ikaw "yun eh. Pero Masdak, may gusto ka ba?"

"Kahit katahimikan lang." sagot ko.

"Ayaw mo ng chocolate ice cream?" napatingin naman ako kay Rant na nakangiti sa akin.

"Saka na, katahimikan lang talaga, pwede?" sumandal lang ako sa sofa at isinandal doon ang ulo ko bago pumikit.

"Umalis ka nga dyan, Seighn." halatang ayaw nila akong bigyan ng katahimikan. Naramdaman ko ang paggalaw ng sofa at ang pag-akbay sa akin ng kung sino. Pagmulat ay nakita ko si Rant..., "Sige na, magpahinga ka muna sa pag-iisip. "Wag kang mag-alala, akong bahala sa kanila "pag nag-ingay." saka nya inihilig ang ulo ko sa kili-kili nya, okay lang, wala namang amoy.

Gaya ng sabi nya ay tinanggal ko muna ang mga bagay na related kay Lolo Paps at inisip naman ang natitirang araw ng Libing. Ilang minuto lang ay umayos na ako ng upo, alam ko rin naman na parating na sila at ayaw kong makita ako ni Precious na nagkakaganito.

"Huh? Nasaan si Bruhang Naile, Peash?" tskk, parang isda ang pangalan ko ah?

"Cr." hinintay lang namin sya ng ilan pang minuto at sabay-sabay na ring kumain.

"Ayaw mo ba ng in-order ko?" napabaling naman ako kay Nieckah na naka-tingin pala sa akin.

"Ano?" saka nya inginuso ang spaghetti na kanina ko pa nilalaro, "Busog lang ako." simpleng sagot ko.

"Itapon mo na lang kung ayaw mo talagang kainin." yukong sabi nya na mababakas talaga sa boses ang lungkot.

"Tskk! Nakwento mo na ba sa kanya ang sugal natin, Naile?" ngisi ko habang tinatanggal ang coat at ribbon ko.

"Talaga?" excite nyang tanong at saka tumingin kay Nieckah, noong una ay nagtataka pa sya, pero ilang saglit pa ay ngisi nya ring tinanggal ang coat nya, ngingisi-ngisi rin si Precious habang nagtatanggal ng coat at ribbon o ano mang makakapagpasikip, "Mamaya na kayo kumain mga boys." saka kinuha ni Naile ang mga pagkain ng mga lalaki at inipon iyon sa gitna. Bakas sa kanila ang pagtataka pero wala kaming pake. Tinanggal ko ang pagkakatuck-in ng uniform ko at tinanggal ang pagkakabotones ng parteng taas nito.

"Pe"ram cellphone, Angird." agad nya iyong inabot sa akin at saka ako nag-timer.

"Lima-limang plato, check. Timer, check. Position... ready... set... go."

Agad kong pinindot ang timer ko at sinimulan nang lumantak. Wala ni isa sa amin ang halatang magpapatalo, kinakain lahat ng dapat kainin at nang matapos ubusin ang nakatokang limang plato ay agad na pinindot ang cellphone na timer namin, halos sabay-sabay kaming pumindot ng kami ay matapos. Wala kaming ibang ginawa kung hindi ang huminga lang sandali at saka na che-neck ang bawat isa ni Naile.

"Malinis..." ngisi nya sa akin, "Malinis at malinis..." saka sya nanalamin at tiningnan ang sarili, "Perfect." ngiti nya sa sarili

"The noisiest?" tanong naman ni Precious at sabay-sabay kaming lumingon sa nakangusong si Nieckah.

"At ang pinakahuli, lahat ng cellphones." agad naming ibinigay ang kanya kanyang timer at sya namang binanggit ni Naile, "Nieckah, eighteen minutes, thirty-three seconds point twenty-five..." saka nya ibinalik ang phone nito, "Precious, eighteen minutes, thirty-three seconds point twenty. Precious over Nieckah..." nakikinig rin ang mga lalaki na animo"y kasali sila sa amin, "The pretty Nail---"

"Ano, may favoritism, -favoritishim?!" sigaw sa kanya ng dalawa na ikinakamot nya ng ulo.

"Haiysttt! Naile, eighteen minutes, thirty-three seconds point twenty-three. Kainis! Precious over Naile, and lastly... Peach, eighteen minutes, thir--- OMG!" napatayo pa sya habang nakatakip ang kamay sa bibig, ako naman ay nakangisi lang at napasandal sa sofa, hinihinatay na ituloy nya ang oras ko.

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now