CHAPTER 9

4 2 0
                                    

🍪 L.I.B.I.N.G

Peach Elliey"s POV

"Pstt!" kalabit ko kay Mick, lumingon lang sya sa akin at inangat ang parehong kilay, "Ayoko ng cartoon. Kaya mag-kwento ka na lang."

"Tungkol naman saan?" dumiretso na sya ng upo at tila handa nang mag-kwento kung ano man ang gusto ko.

"Hmmmm, tungkol sayo. Kung ano-ano, basta mag-kwento ka." sabay subo ulit ng ice cream ko.

"Ako ang MVP sa basketball team namin." taas-noo nyang payabang, "Ako rin ang may ari ng pinakasikat na bar dito sa atin." wowwww!

"So, pwede akong mag-inom "dun ng libre?" please, please, pleaseeeeeee.

Pinitik naman nya ang noo ko at piningot, "Masyado ka pang mahina para uminom."

"Per---"

"No buts. Bawal kang mag-inom." napanguso naman ako at sumalok ulit ng ice cream.

"Pwede mo ba "kong turuan mag-basketball?" napa-ngiti naman sya at tumayo.

"Simulan na natin ngayon." napangiti naman ako ng sobrang laki at saka minadaling ubusin ang ice cream ko na kaunti na lang.

Ang iba naman na ice cream ko ay pinasok ko sa ref nila at sumunod na kay Mick sa labas.

"Okay, practice na muna tayong mag-dribble." kumuha sya ng dalawang bola at inihagis ang isa sa akin, nasalo ko naman iyon at sinimulan nang mag-practice.

Ilang minuto pa lang ay parang susuko na ako, "T*ng"nang bola "to, tumatakbo!" dahil sa inis ay naihagis ko iyon sa pader ng malakas at tumalsik iyon pabalik sa akin, sa lakas ay tumalsik pa ako at namanhid ang parte ng noo kong natamaan.

"Arayyyyyyyyy!"

Lumingon naman sa akin si Mick at napahagalpak ng tawa dahil sa hitsura ko, nakapasok ang pwet ko sa trash can na mabuti na lang at walang laman, habang nakalabas ang parehong binti, ang buhok ko naman ay sumabog dahil lumuwag ang pagkakatali kanina.

"HahahahahahAno bang ginawa mo sa bola, Masdak?" lumapit sya sa akin at hinila ako pero kapag ina-angat ako ay sumasama yung trash can, "Hawak ka sa leeg ko tapos ipalupot mo yung binti mo sa beywang ko, hihilain ko naman yung trash can para maka-alis ka na dyan. In three, pilitin mong makalabas." ginawa ko nga ang sinabi nya at saka sya nagbilang, "One...two...three!" successss mga an*mal.

"Ayoko nang mag-basketball." nguso ko habang pina-pagpag ang pwet ko.

"Wala pa nga eh.Ulit. "Wag mo kaseng ipantay yung palad mo sa bola, i-ayon mo lang sa kurba."

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now