CHAPTER 12

3 2 0
                                    

💨 Louie The Pwet

Peach Elliey"s POV

Bakit nakapag-text pa rin "tong an*mal na "to?

Pagkagising na pagkagising ko ay ito agad ang nakita ko sa phone ko...

666666666

Why did you block me? Are you starting to be scared? Ha-ha-ha

Sa gigil ko ay naibato ko iyon sa kung saan at saka na tumayo para maingat na maligo, kahapon lang ako nagsususuntok kaya may sugat pa. Ilang minuto lang ang itinagal ko sa banyo at bumaba na nang nakabihis, napa-aga ang gising ko kaya ako na rin ang naghanda ng almusal, habang nagluluto ay bigla na lang may kumalabit sa"kin.

"Good morning, May." ngiti ko sa kanya at baling ulit sa niluluto ko.

"Anong problema ng anak ko, ha?" akbay nya sa akin pero nginitian ko lang sya, "Sige na anak..." saka naman nya kinurot ang pisngi ko.

"Mamay..." ngilid ang luha ko ng lumingon ako sa kanya.

"Halika nga dito..." niyakap nya ako at saka tinapik-tapik ang likod ko

"Kung nahalata ko kaagad na nahihirapan nang huminga si Lolo Paps, edi sana naandito pa sya "di ba?" kahit na nakayakap ako kay Mamay ay pinigilan ko pa rin ang luha kong kanina pa gustong lumabas.

"Sino ang gunggong naman ang pumilit sa anak kong tumugtog, ha? Sabihin mo sa Mamay at nang mahambalos." napatawa na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagluluto, "Anak naman, kung nasaan man ang Lolo Paps mo ngayon ay siguradong malungkot "yun dahil hindi pa tanggap ng apo nya ang pagkawala nya." akbay nya ulit sa akin.

"Pero Mamay, kung hindi ko sya binulaga, hindi sana sya magugulat at mahihirapang huminga na magiging dahilan ng pagkamatay nya." turan ko habang nakatingin pa rin sa niluluto.

"Pero anak, oras na ng Lolo Paps mo, kaya sya sumama sa liwanag." napabuntong-hininga na lang ako at saka na pinatay ang kalan, oo patay, sinaksak ko eh, tange, jok-jok lang "yun

"Kain na tayo May, pakitawag na lang sila." nginitian nya lang ako saka pinisil muli ang pisngi ko.

"Kwento mo sa"kin problema nyo magkakapatid ha?" saka sya tumalikod at lumabas ng kusina, alam na alam talaga nya kung may problema sa pamilyang "to...

Natapos namin ang agahan ng ilang minuto lang at saka na kami sumakay sa kotse ni Kuya para sa pagpasok, "Kuya, pagising na lang ako "pag nasa school na." kahit hindi ko lingunin, naka balagbag nang nakahiga si Precious sa likod, hindi na sumagot si Kuya dahil hindi rin naman makikita ni Precious ang pagtango nya.

Tahimik lang kami ni Kuya na naka tingin sa kalsada, sa totoo lang, nakakatampo sya, ice cream na nga lang ang bisyo ko, pinagbawal nya pa, ilang araw na lang at tapos na ang parusa namin, na-miss ko tuloy si Kuya Art, palagi nyang sinusuway si Kuya tuwing ipapagawa nya sa amin "yung Libing, pero dahil matigas si Kuya, sinasamahan nya na lang kaming gawin "yun, hayyy..

Narating namin ang school ng tahimik at walang pansinan at, gaya nga ng sinabi ni Precious, ginising sya ni Kuya habang ako ay nasa labas lang ng kotse at hinihintay sila. Hindi naman masyadong nagtagal sa paggising sa kanya, mga three minutes lang naman at gumising na rin.

"Dumiretso agad kayo dito mamaya paglabasan nyo ah?" tumango na lang kami at nagpatuloy na, gaya sa sasakyan, tahimik kami at walang pansinan. Hindi na ako sumabay sa kanya dahil baka mapaghalataan kami, nauna sya sa room at ako naman ay pumunta muna sa storage room, maaga pa naman kaya pwede pang tumambay. Pagbukas ay bumungad sa akin ang mga kahong pinagsisipa ko kahapon, inayos ko iyon at nagbukod ng dalawang magkapatong na kahon para maupuan.

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now