CHAPTER 14

3 2 0
                                    

 Dangerous Peach Elliey

Rant Clyde"s POV (Kenbu)

Nandito lang kami sa room habang hinihintay si Professor Fartha na muntik nang masaktan ni Peach kahapon...

Matapos nyang tumugtog noon kay Dean ay kakaiba na ang kinikilos nya. Nang pumasok sya kanina ay walang buhay ang mga mata nya, tahimik rin sya at hindi ngumi-ngiti. Nang mag-break naman sa cafeteria ay pilit na pilit rin sya kung ngumiti at tumawa, tipid rin ang mga sinasabi nya at kung pwede nga lang siguro, hindi na sya magsa-salita. Kaya nang malaman ko ang dahilan nya ay hindi ko sya masisi...

Napa-lingon kami sa harap ng pumasok si Pandak kasama si Ihter, gaya kanina ay wala pa ring kabuhay-buhay ang mga mata nya at seryoso lang ang mukha, kapansin-pansin rin ang mapula nyang mukha. Mata, ilong at pisngi, bukod don ay naka kuyom rin ang kamao nyang may sugat

Paupo na sila nang humarang na naman si Chercy, "Akala ko hindi ka na papasok eh. Oh, simulan mo na." agaran akong napa-lingon sa kapatid nya na hindi man naka-tingin pero naka kuyom naman ang kamao

Nang lumingon ulit ako sa kanila ay si Ihter na ang kumaka-usap kay Chercy, "Baka pwedeng ako na lan---" natigil sya nang isang mabilis na tulak ang natanggap nya mula kay Chercy

" "Wag kang mangi-alam..." saka sya humarap ulit kay Pandak, "Gawin mo na..." hindi gumalaw si Pandak at diretso lang na naka-tingin kay Chercy...

Pumasok ang grupo nina Danvez at saka sumugod, agarang hinila ni Peach si Chercy papunta sa likod nito at ang ikina-gulat naming lahat...

Ang suntok na pinakawalan ng ka-grupo ni Danvez ay sinalo rin ni Peach ng suntok, ang lalo naming ikina-gulat ay ang sunod-sunod na pagkawala ni Peach ng suntok, walang buhay at handang-handang pumatay, yan ang hitsura nya, para syang nawalan ng kontrol dahil kahit tumba na ay hindi pa rin sya tumitigil. Lumapit na ako at saka sya hinila, siguro sa gulat ay muntik na nya akong masapak pero nakapag-pigil sya nang isang inch na lang ang layo ng kamao nya sa mukha ko, "Tama na, Peach." marahan ko syang hinila paupo sa upuan nya at saka tinalian ng panyo ang kamao nyang dumudugo bago harapin ang grupo ni Danvez, "Baka akala nyo ay pwede kayo sa teritoryo namin. Umalis na kayo kung ayaw nyong mapuruhan." pamulsang paalala ko sa kanila pero hindi natinag ang gago

"Alam mo ba na girlfriend ko ang sinapak mo?" lapit nya kay Peach kaya hindi na ako nakapag-pigil pa at nasapak na sya, gaganti sana sya ng suntok pero ikina-gulat na naman namin, hindi lang ako, kundi ng mga kaklase ko ang pagsalo ni Peach ng kamay ni Danvez

"Hindi ba"t ako ang kailangan moBakit pati ang kaklase ko ay sasaktan moSinasabi ko sayo, ako o isa man sa kaklase ko ang saktan mouubusin ko talaga ang grupo moUmalis ka na, wala akong oras para sa mga walang kwentang bagay." naka-tingin lang ako sa likod nya nang sabihin nya ang mga katagang yon, napa-tingin rin ako kay Danvez na halata ang pagka-inis

"Sa tingin mo matatakot mo "ko sa mga salita mong ganyanBakit mo sinaktan girlfriend ko? Ha?! Bakit?!" sigaw nya kay Peach na prente lang na naka-pamulsa ng tanggalin nya ang pagkakahawak sa kamay ni Danvez

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now