CHAPTER 5

5 2 0
                                    

Unknown Number

Naile Adison"s POV

"Hello babe?" sabi ko pagkatapos ng ilang ring nang makalabas ako ng bahay ni Leithron

["Oh napatawag ka, Santiago?"] walang gana nyang tanong

"A-ahmm kamusta? Ako "to. Sorry ngayon lang ako naka-tawag. Naiwan kase yung bag ko sa kalsada kanina." kwento ko sa kanya kahit alam kong wala syang pake pero kahit ganon ay ayos lang, mahal ko sya eh

["Okay lang, sige na papatayin ko na."] sasagot pa sana ako ay bigla nang nawala ang linya

Palagi na lang ganito, ako ang unang tatawag, kung hindi ako tatawag ay hindi kami magkakausap. Tuwing kina-kamusta ko sya ay sasagutin nya lang ng Okay lang, at pagkatapos ay pinuputol nya na ang linya. Hindi nya ako kinakamusta gaya ng ginagawa ko sa kanya. Ako rin ang palaging nag-aaya ng date at na-uuwi yun sa awayan. Iniisip ko na nga minsan ay hindi na sya masaya sa akin. Ginagawa ko ang lahat para mag-balik kami sa dati pero wala. Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano ang ginawa kong mali para humantong sa ganito ang relasyon namin?

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayang umiiyak na ako. Agad ko yung pinunasan at pinakalma ang sarili. Ayoko na munang manood ulit dahil naaalala ko lang si Loui na sobrang galing sa pagba-basketball. Kaya sa huli, napag-desisyunan kong maglibot sa bahay ni Leithron

Mula sa tapat ng pinto na kinatatayuan ko ay makikita mo ang cute na mini fountain na may rock formation pa sa gitna habang sa mismong paanan nito ay may mga damong halatang naka-desenyo talaga. Naglakad ako kahit iika-ika sa pathway na napa-lilibutan ng mga batong naka-ayos rin. Sa paglalakad ay natanaw ko naman sa kaliwang bahagi ang garden ng bahay nya. Iba"t-ibang uri ng mga bulaklak, mayroong roses, daisies, sunflowers, dahlias at marami pang iba. Lumapit ako sa isang pulang rosas at inamoy iyon.

"Magandang hapon po Ma"am!" masiglang bati ng isang matandang lalaki na sa palagay ko ay nangangalaga ng garden ni Leithron

"Magandang hapon din po, Naile na lang po ang itawag nyo sa akin at huwag nyo na po akong i-po dahil "di naman po ako matanda." naka-ngiting bati ko rin sa kanya na ikina-gulat nya, "M-may nakakagulat ho ba sa sinabi ko?" kunot-noong tanong ko sa matanda

"Hindi, wala, wala. Nagulat lamang ako"t hindi mo ako sinigawan gaya ng ibang babaeng dinadala ni Lei dito. Ang mga iyon ay mga walang modo at respeto sa matatanda, biruin mo, sinabihan akong mababang uri ng tao, pulubi at patay-gutom. Hahahahah!" ako naman ang nagulat sa mga i-kwinento nya sa akin

"Eh, Tay, kung hindi maganda ang ginagawa sa inyo nung mga babaeng sinasabi nyo, eh bakit nyo ako kina-usap, malay nyo po ay sigawan ko din kayo?"

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now