CHAPTER 8

4 2 1
                                    

 Mini House

Peach Elliey"s POV

Magmula nang umalis sila ay hindi na pumasok ang iba pa naming professor dahil daw sa biglaang meeting kaya ang mga kaklase ko ay nagsilabasan na at tumambay sa kung saan man samantala kami ay nandito lang sa room.

Kuya Bait, Kenbu, Mick, Singkit, Bakla, Mysterious President, Cute Secretary, Bruhang Naile, Terrence the Angry Bird at Mawi sa Moana dahil sa kulot nyang buhok, lahat sila busy sa hawak na phone. Sina Myspres, Cute Secretary, Naile at Angird lang ang hindi.

"Ang galing mong manuntok Masdak ah." tapik ni Mick sa ulo ko makalipas ang ilan pang sandali dahil tumabi sya sa akin.

"Gusto mo makatikim?!" iritang tanggal ko ng kamay nya sa ulo ko.

"Pinuri ka lang eh!" nguso nya at umalis sa tabi ko.

Umupo naman si Naile sa table ko, "Oh ano? May masakit ba sa"yo?"

"MeronIto oh!" sabay kapa ko sa likod ko.

"Tingin." tumalikod ako at bahagyang inangat ang damit, "Tsk, nagpasaAno bang nangyari dito?"

"Tinadyakan ako nung isang bruha."

"Teka lang. Punta ako sa clinic." at aalis na sana.

"Walang clinic dito. Tara sa pad namin." hindi na nakasagot ang Naile at nagpadala na lang sa hila ni Singkit. Naiwan naman akong nagtataka kung bakit walang clinic dito. Nang biglang...

"Hi, Peash!" napatingin naman ako kay Cutery (Cute Secretary / Kyutere)

"Peach." pagtatama ko sa kanya.

"PeashPeash, parehash lang "yun hihih!" bungisngis nya sa akin at naglabas ng lollipop, " "Ushto mo?"

"Sige, sayo na lang, salamat." binulsa nya na yun ulit at inilahad ang kamay sa akin.

"Ako shi Nieckahpwede ba tayo maging friendsh?"

"Sure ka? Baka nahihilo ka lang. Ako ba talaga?" "di makapaniwalang tanong ko habang nakaturo sa mukha.

"Yesh." simpleng aniya at kinuha rin ang kamay ko at nakipag-shake hands, "Friendsh na tayo ah?" nginitian ko na lang sya bilang sagot, "Sooano tawagan natinbesh, beh, beshpren, friendship, anoo?" hyper na tanong nya sa akin at ako naman ay nakatanga lang.

Hindi ko malaman kung anong isasagot sa kanya pero laking pasalamat ko nang dumating agad si Naile.

"Oh, ito na bruha." saka hinagis sa akin ang isang cold pack.

"Oo nga, bruha. Ang gandaBruha na tawagan natin ah." tuwang aniya, ako naman ay napatawa dahil sa taglay nyang kakulitan.

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now