CHAPTER 1

13 5 0
                                    

ANIMALS😸😸😸😈

Peach Elliey"s POV

Nandito ako ngayon sa park at nakiki-usap sa tao na may singkit na mata, "Kuyang singkit, "di porke hindi ko pa nababayaran, eh kukuhain mo na, kita mo "to, hawak k--" "di ko na natapos ang sasabihin ng kuhain nya "yun at dilaan.

"Now, I got it." sabi nya sabay dila ulit.

"I-ice cream ko!"

"Hahahahah, better luck next time." aniya at binayaran na si Tatay at kumindat sa"kin na sinamaan ko lang ng tingin bago umalis kasama yung dalawa pang mga lalaki na hindi ko na minukhaan.

Simangot akong umuwi at napasalampak na lang sa higaan ng maka-akyat, agad kong pinanggigilan ang stuffed toy kong baboy at saka nagsususuntok sa higaan, ang ice cream ko!

·~°~•*•~°~·

Pumunta na ako sa puno kung saan ako tumatambay palagi at saka pinagmasdang mabuti ang ice cream, sana lang talaga hindi ka na nila makuha sa akin.

Handa ko nang isubo ang ice cream ko nang may mabilis na an*mal ang isahang sinubo ang ice cream ko,"Mamaga sana lalamunan mo!" lumo akong napatingin sa cone na pinagtyagaan ko rin habang pauwi.

·~°~•*•~°~·

Iningatan ko ang ice cream ko habang naglalakad papunta sa wala masyadong tai, mahirap na at baka may manguha na naman nito. Nang makasigurado ay maayos ko iyong inilabas mula sa pagkakaharang ng braso at magdarasal pa lang sana nang biglang may umagaw na ng ice cream sa kamay ko. Agad ko iyong tiningnan at nakita ang isa na namang an*mal.

"Ang galing talaga." saka ko na lang pinagmasdan ang ice cream kong unti-unti nang nauubos.

"Hmm, sarap." balewala nya sa presensya ko at may malaking sinubo ice cream ko, "Ako ba ang sinasabihan mo?" napasapo na lang ako sa noo at napa-amba na ng suntok sa kanya, kalma self.

"AKIN YAN EH!" galit na sigaw ko sa kanya.

Tiningnan nya ang hawak na ice cream at saka ulit tumingin sa akin bago kumagat ulit ng malaki bago sumagot, "Oo nga. Kinuha ko sayo kase napansin kita kanina na parang may kakatagpuing kriminal eh. Na-curious lang ako pero wala naman kaya aalis na sana ako kaso, nakita ko ang ice cream mo kaya salamat." sabay taas nya ng ice cream ko.

"Wala akong paki-alam kung na-curious ka at kung anu-ano pa, ang akin lang ay bakit kailangan mong kuhanin ang ice cream ko?" galit na tanong ko sa kanya.

"Bye-bye Masdak. Masibang pandak." saka kumaway pa ng may ngisi bago ko nakita na ubos na ang ice cream ko, partida at ilang sandali pa lang.

Dinambahan ko sya ng sakal sa batok at kinutusan ng pagkadiin-diin, "Oo masiba ako, pero kinain mo yung ice cream kong an*mal ka!" sinabunutan ko pa sya at ginulo-gulo ang buhok bago pakawalan, "Bye-bye Mick, Magnanakaw ng Ice Cream Ko." saka na sya iiniwan.

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now