CHAPTER 7

5 3 0
                                    

🎉 First Fight At School

Peach Elliey"s POV

"Hi Bruha, tara, samahan kita magpalitButi na lang mas maaga ako sayong pumasokBinato din nila ako ng basura kanina eh. Tara." dalawang daliri nya akong hinila sa neck tie ko habang ang isa pa nyang kamay ay naka-takip sa ilong. Napangiti rin ako sa kaartehan nyang nakaka-miss

"Napaka-arte naman nitong babaeng "to." parinig ko sa kanya

"Kasalanan ko bang mabantot ka?!" napa-iling na lang ako at napatingin sa suot nya

"Anong suot yan Naile?" biglang tanong ko sa kanya habang tinatahak namin ang mahabang pasilyo na papunta siguro sa comfort room ng floor na "to

"Wala ba talaga nito sa bundok?!" ngongong singhal nya habang tumitingin-tingin ako sa iba pang mga classrooms

"Ghe, ipagpatuloy mo lang yang pagiging ngongo mo."

"Tssano pa ba kundi shirt at short. Nakaka-tanga rin yang katangahan mo ha." paypay nya sa sarili. Napatingin naman ako sa suot nyang high waist short at isang black na shirt na may logo na kagaya ng sa uniform ko na naka-tuck-in

"Hindi mo naman ako papasuotin ng ganyan dito "di ba?" nginisian lang nya ako na nakapag-palaki ng mata ko,"Hindi! Mas titiisin kong mabaho kesa ang mag-suot nyan." sabay sulyap sa hawak nyang paper bag

Napa-aray naman ako nang bigla nyang pitikin yung noo ko

"Sa ilang minuto kong paghihintay sayo kasama yang mga bago nating kaklase, masasabi kong maaarte sila, pati mga lalakiayaw nila ng mabahoayaw nila ng maputikayaw nil--" bago pa nya matapos ay nabatukan ko na sya

"Narinig ko na yang line na yan." inirapan na lang nya ako at binilisan na ang paghatak sa"kin dahil baka ma-late daw kami

Matapos kong mapunasan ang katawan ko at piliting suotin ang damit na nakuha daw nya sa clinic ay tinulungan naman nya akong linisin ang buhok ko sa sink at nang matapos ay tinuyo nya ng towel na nakuha naman nya sa isa naming kaklase na-MABAIT.

"Tara, balik." binalot ko na ang mga damit ko sa paperbag at linisan na ang comfort room

Sabay kaming pumasok ni Naile sa room na puno ng mga hunghang.At kasabay ng paghakbang namin papasok ay sya ring pagbato samin ng towel na basa na kulay itim dahilan para mapapikit kaming dalawa

Kada laglag ng itim na towel galing sa mukha namin ay ang panibagong towel na basa na may kulay itim na tinta habang nagtatawanan ang mga pepeng hunghang

SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now