»
💂 Her MensPeach Elliey"s POV
Ewan ko pero may istudyanteng lalaki ang lumapit sa"kin habang papasok ako sa room at naki-usap na kung pwede daw ba kaming mag-usap dahil importante daw ang usapan na pag-uusapan naming pag-usapan at kailangan na daw pag-usapan ngayon kaya naki-usap ako sa kanya na kakausapin ko lang si Naile pero nakiusap sya na bilisan ko ang pakikipag-usap kay Naile at dahil naki-usap syang mag-usap kami ay kinausap ko na sya.
"Miss Peach. I"m the head of Dren"s Mens, and yesterday, I do witnessed that scene. If you let me, we can help you." Dren"s Mens? "Yes Miss. We are the people you defeat before and want to be under by you, Dren." This is exciting.
"Ah, sige, sige. Gani--- opss!" hinarap ko pa ang kamay ko sa mukha nya, "Paano ako makakasiguro na kakampi ka?" nag-bow muna sya bago ituro ang mga lalaki.
"Sila po ang mga myembro ng mafia nyo." turo nya sa isang student sa isang bench malapit sa isa sa kaklase ko, sa isa pa na malapit kay Nieckah, at isa pa malapit kay Naile, "Mahirap pong sundan ang kapatid nyo dahil malakas ang pakiramdam nya, kaya sa malayo lang kami nakatingin sa kanya. Palagi po kaming nakabantay sa loob at labas ng bahay at school nyo. Nakasunod rin sa kaibigan at kaklase nyo." Ahh, mafia ni Paps, "Hindi po, sa inyo, sa iyo."
"ANO!" mabuti na lang sa corridor kami nag-usap at wala gaanong tao, "Sira ba ulo mo? Paanong may mafia ako?"
"N-napagkasunduan p-po naming sumali sa mafia, at kayo ang boss. Hindi naman po mahirap dahil alam na nila ang galaw nyo."
"Nakaka-inis naman! Paano "to? Malalaman nila na ako "to, tapos malalaman nila kung sino ang mga mahal ko sa buhay, tapos "pag napikon sila pupuntiryahin nila ang pamilya ko. Paano na "too?!"
"Hindi naman po problema "yun. Ang hindi nila alam ay nagsasalamin kayo. Naka-sun glass ka noong unang punta nyo sa U.P at ang alam po nila ay matangkad ka."
"So sinasabi mong pandak ako?" taas-kilay ko.
Yumuko sya, "Hindi po."
Umakbay ako sa kanya, "Good. So, tawagan na lang kita "pag may kailangan ako at tawagan mo ako kung may kailangan kayo."
"Ahh. Miss po ba o Boss ang itatawag namin sa inyo?"
Napa-isip ako, "Dren, Peach, Santiago, ah basta. Kahit ano "wag lang masyadong formal. "Wag mo na rin akong i-po, para naman akong matanda."
"Okay. Nga pala, kayo ang "Youngest Mafia Boss", nakuha nyo "yun nang matalo nyo si Gun."
"Haisst. Oh sige na." paalis na ako nang...
"Baka pwedeng sabihan nyo ang mga kaibigan nyong "yun." napabaling naman ako sa tinuro nya.
Sina Kenbu, Mawi at Angird na masama ang tingin sa kanya. Tinanguan ko na lang sya at pinaalis na.
"Oh? Anong problema nyo?" saka ako umupo.
"Sino "yun?" umirap lang ako.
"I"m a mafia boss." bigay-alam ko sa kanila.
"MAFIA BO---"
"Shhhh! Wala talaga kayong common sense. Mga bw*sit!"
Paano ko sasabihin kanila Paps "to? Anong pamamaraan ang gagawin ko sa mafia ko? Baka mapatay ako ng maaga?! Mafia boss? Ako? Hah! Nakaka-inis!
"Anong pinagsasabi ng student ko na "to?" napa-angat ako kay Sir Allen at tiningnan ang mga kaklase kong pinagtatawanan ako.
"Wala po Sir."
Natapos na naman ang pang-umagang klase at kainan na naman.
"Hey Elliey. Mafia boss huh?" napa-ngalumbaba na lang ako sa pang-aasar ni Trixia.
YOU ARE READING
SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSS
FanficHi!!! I'm Newbie Here in Wattpad and I Hope you like my FIRST ever PUBLISHED STORY ✌️✍️ Actually, Hindi TALAGA ako sanay mag sulat pero susubukan ko itong tapusin ng 1 MONTH ..😄✌️ I think KASI baka nakapag 2nd PUBLISHED pako ng Another Story Befor...