💔 Sign
Precious Gem"s POV
"Nakakabobo naman kase "yang tanong mo Fartha."
"A-anong ginawa mo sa buhok ko!?" sigaw nya.
"Oh ayan. Kita mo na. Nakakabobo "yang mga tanungan mo eh. Alam mo namang kinalbo na kita, itatanong mo pa." sabi ko habang nag-iinat ng katawan. Hindi naman masyadong masakit ang mga sugat ko, sakto lang.
"Ni hindi mo nga masag---"
"Four hundred times larger than the moon ang araw. Mayroon ring totoong ginto sa araw. Sun"s surface is nine thousand nine hundred thirty two degrees fahrenheit o five thousand five hundred degrees celsius. Sun is larger than one million Earths and the biggest in our solar system." saka ako tumingin sa kuko ko, "Kahit ata grade three student, masasagot ang tanong mo na "yan. Napaka-boring mo magturo, siguro nga alam nila ang sagot pero hindi na lang sila nagsalita kase wala naman sigurong patutunguhan ang sunod mo pang itatanong." saka ako tumingin sa kanyang pulang-pula na.
"Humanda ka sa"kin! Kayong dalawa ng g*go mong at---" sa ilang saglit, nakakuha ako ng isa pang ballpen at naputol ang maliliit pang hibla ng buhok nya.
"Kung ako sayo, umalis ka na lang at mag-isip ng iba pang paraan para sa maayos at karespe-respetong pagtururo. By the way, hindi kita sinaktan kaya wala akong violation. Alis na." taboy ko bago bumalik sa upuan at matulog.
Narinig ko pa ang paglagabag ng pinto at ang pag-iingay nila. Hindi ko na lang sila pinansin at natulog na, pero, palagi na lang si Peach ang na-iisip ko kaya hindi na ako nakatulog. Gustuhin ko man syang puntahan na sa bahay ay hindi pwede. Miss na miss ko na sya...
"Precious?" nag-angat ako ng tingin at nakita si Naile.
"B-bak---" natigilan ako nang matunugan ang paghikbi ko.
Agad akong napatalikod at pinunasan ang luha na hindi ko alam na tumulo na pala. Naramdaman ko na lang ang pagyakap nya nang humarap ako saka tinapik-tapik ang likod ko.
"Magiging okay ang bruha mong ate. Sa ngayon, kumain na muna tayo dahil tatlong subjects na lang ay uwian na." isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at dun na ako tuluyang nakatulog.
Worth Luchius" POV
"Magiging okay ang bruha mong ate. Sa ngayon, kumain na muna tayo dahil tatlong subjects na lang ay uwian na." pakinig ko sa kanilang dalawa bago makita sa gilid ng paningin kong nawalan na sya ng malay.
"Hey Naile. Your friend Precious fall asleep on your shoulder." I don"t care naman eh.
Dahan-dahan nyang isinandal sa upuan nya at humarap sa akin, "Pwede bang patulong? Tsaka baka pwede ring d"un muna sya sa pad nyo dito sa loob ng campus?" napasinghal naman ako ng tawa.
"Ako? Girl may ka-date pa "ko mamaya "no. "Yan na lan---"
"Pleaseee?" napa-irap na lang ako at dinaluhan sila bago bigyan ng masamang tingin ang mga g*gong ngingisi-ngisi.
Pasan naming dalawa si Precious pero agad syang napahawak sa tyan ng matapat kami sa girls room, "W-worth, ikaw na munang bahala sa kanya, masakit lang tyan ko." sabay bitaw at pasok.
"Great. How uto-uto?" bagaman ayaw ko ay binuhat ko na rin sya.
"Naks. Straight na sya!"
"Paparty na "ko pre, punta ka ah?"
"Oh pre talo ka. Akin na pusta mo."
"Mga g*go! Umalis nga kayo sa dinadaanan ko! Baka gusto nyong matamaan sa"kin!" ngisi silang umalis pero nagbubulungan pa rin ang iba.
YOU ARE READING
SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSS
FanfictionHi!!! I'm Newbie Here in Wattpad and I Hope you like my FIRST ever PUBLISHED STORY ✌️✍️ Actually, Hindi TALAGA ako sanay mag sulat pero susubukan ko itong tapusin ng 1 MONTH ..😄✌️ I think KASI baka nakapag 2nd PUBLISHED pako ng Another Story Befor...