💥 Trixia
Trexus Raive"s POV
Sa ilang araw na nagpapagaling si Masdak ay palagi kaming pumupunta sa bahay nila, pero dahil sa nakaraang pagtatalo namin nina Jade at Worth, nagpa-plastikan na lang kami. Nag-uusap lang kami kapag nakatingin sila at kapag naman kami-kami lang, walang kibuan.
"Good morning Masdak!" bati ko sa kanya at lagpas para umupo na at makakain.
"Good morning-good morning tapos almusal lang pala pinunta." parinig nya pero nginitian ko lang sya.
Humalik sya at nagmano bilang good morning sa lola, magulang, pinsan, kapatid at kaibigan nya bago umupo, "Nasaan po sila Tita, May? "Di ba sabi nila Tito dito muna sila?"
"Eh may kailangan daw silang gawin Lih eh. Kain na tayo, mga bagetss!" habang kumakain kami ay nagke-kwentuhan lang sila at ako ay kumakain lang.
Dito lang ako nakakain ng ganito, sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakatikim ng ganitong luto. Simple pero elegante, plating palang masarap na, lalo na kapag nakain mo. Ilang kuha na ako ng sinangag nila na ni-request ko talaga at kukuha pa sana nang bigla na lang akong may makasabay sa paghawak ng sandok pansalok.
"Bitaw!" seryosong utos ko pero nakakunot lang ang noo nya.
"Ikaw ang bumitaw. Akin na lang, kanina ka pa eh!" hila nya ng sandok.
"Ano ba Choi! Bitaw nga!" hila ko.
"Hindi ako tabachoy!" hila nya ulit.
"Edi, bitaw Nieckah Quisha Choi!" pilit ko iyong kinuha at napangiti nang makuha iyon, "Ano ka ngayon?" yabang ko pa at kinuha na ang huling sandok.
Ilalagay ko na sana sa plato ko iyon nang tutukan ako ng dalawang damulag ng tinidor, "Ibibigay mo? O hindi?" sabay na utos nila kaya wala na akong nagawa kundi ang ilagay iyon sa maluha-luhang Choi bago sya gulat na mag-angat ng tingin sa dalawa bago bumelat sa akin.
"Ikaw? Ano ka ngayon?" saka nya iyon pina-ingit sa akin at ngusong nag-iwas na lang ng tingin at nakita si Tita Louiessa na tumatawa kasama si Lola kaya lalo akong napanguso.
"Oy kambal!" tawag ni Abo sa dalawa habang pinagtatyagaan kong papakin ang natirang ulam.
"Bakit Grey?"
"Hmmm?"
"Kayong dalawa na muna ang maghatid sa mga kapatid k---" naputol si Daga ng batuhin sya ni Abo ng necktie nya.
"Grey ka ba? Nag-iisa lang ang gwapong Grey na may mga kapatid "no?!" bumaling sya sa kambal, "Pakisabay na lang silang apat. May kailangan lang kaming gawin ng Tukmol na "to ngayong araw, ahmm, siguro mga ilang araw. Pero "wag kayong mag-alala, sagot ko alak nyo." maghihihiyaw na sana si Clyde nang pingutin ni Tita si Tandang Abo.
"May alak ba akong narinig, Greh?" ngiting tanong nya.
"W-wala po May, s-sabi ko alas, May hihih."
Nakita ko pang lihim na nagbungisngisan ang apat pero napabaling ako sa katapat ko nang hatiin nya ang sinangag nya sa"kin, "Hihi, share tayo." agad akong nabuhayan at hinintay na tapusin nya ang paglalagay sa plato ko.
"Akong bahala sa sweets mo." nanlaki-mata naman syang na-excite, "Ano bang gusto mo? Lollipops, candies, marshmallows, o chocolates?" ngisi ko sa kanya.
"TALAGAAA!?" lumapit sya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, "Ililibre mo "ko?" ngiti akong tumango, "Kahit ano?" tango ulit, "Lahat ng gushto ko?!" sunod-sunod akong tumango, "Wahhhh! Omaygash! Peash! Lilibre ako ni Treksh! Lahat daw ng gushto ko!" nilantakan ko na lang ang pagkain ko nang bitawan nya ang gwapo at malambot kong mukha.
YOU ARE READING
SHE IS THE DAUGHTER OF MAFIA BOSS
FanfictionHi!!! I'm Newbie Here in Wattpad and I Hope you like my FIRST ever PUBLISHED STORY ✌️✍️ Actually, Hindi TALAGA ako sanay mag sulat pero susubukan ko itong tapusin ng 1 MONTH ..😄✌️ I think KASI baka nakapag 2nd PUBLISHED pako ng Another Story Befor...