Before anything else, may favor ako sa inyong readers (if may nagbabasa nga nito :D). Please comment po kung binabasa mo to. Curious lang kasi ako, gusto ko malaman kung sino mga nakakabasa nito hahahaha.
Puhlease kahit "hi" lang or tuldok lang okay na basta comment kayo ha for once lng nman e. Tytyty! *3*
---
PROLOGUE
"Chuchaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!"Kumakaripas ng takbo si Chimoy. Nah, that's not his true name, tawag ko lang sa kanya yun. He's Hans Jarred Idelfonso, 13 years old, school mate ko. Pang mayaman yung pangalan no? E... mayaman nga sila e. May lahi pa. German... german sheperd. :'D
Hindi ko siya pinansin. Yamot ako do'n e. Ako si Mijara. Mijara... Uhm. Ang bantot kasi ng apelyido ko e. Hindi kaaya-ayang pakinggan e. Basta Mijara.
"Mijaraaaaaaaaaaaaaaaaaa!" sigaw niya. Binilisan ko nga lakad ko.
"Mijara Culanoooooooooooooooooot!"
Aaaaaaaaaaaaaargh! "Epal ka! Ang ingay mo noooo?!" gigil na sigaw ko sa kanya pagtalikod ko.
"E bakit ang bingi mo? Ahhhhm. Chuchay, may tanong ako sa'yo..." sagot ni Chimoy.
"Ano nanaman? Siguraduhin mo lang na matino 'yan kung hindi kutos ka sa'kin" pagbabanta ko.
Tumawa siya. "Chuchay... nahihiya man ako pero... gusto talaga kitang maging ano... e... pwede ba kitang maging... maging ano... maging ... g.. g... bestfriend? utal na sabi niya.
"Ayoko ngaaaaaaaaaaaaa! Ano ka? Tss. Ayoko magkaroon ng bestfriend na lalaki no. Sakit sa bangs! Lalo na ikaw, basagulero, tamad mag-aral, mahilig mang-inis, nakakayamot, nakakabanas! Diyan ka na nga." Nagmadali na ko maglakad at iniwan ko na siya. Hindi naman ako pala away, ang totoo mahinhin ako. Oo promise, mahinhin na makulit. Pero sa lalaking 'to lumalabas ang kabilang side ng ugali ko. Ewan ko ba, isang taon na kong yamot sa kanya. Lahat ng ginagawa ko pinapansin. Since first year kami ganyan 'yan. Nakakainis.
"Hoy grabe naman to bakit ka ba galit na galit sa'kin?" hirit niya.
Bumalik ako sa kanya para lang sabihing, "Wag ka susunod, wag mo ko sabayan umuwi, at lalong 'wag mo na ko tawagin!" nang mabilisan. Sabay alis na ulit.
Wala na nga akong narinig pagkatapos no'n. Pero nagtaka ako, ang totoo nag expect ako na mangungulit pa rin 'yon e, kaya lumingon ako. Hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya, malungkot at mukhang gulat ang itsura, habang nakatingin pa rin sa'kin. Naawa tuloy ako sa kanya. Ano bang trip nito? Lumapit na lang ulit ako.
"Ba't ka bumalik?" sabi niya pagkalapit na pagkalapit ko. Wow ah.
"Sige aalis na lang ulit..." naglakad na ulit ako. Sana hindi na lang ako bumalik.
Hindi niya ulit ako sinundan at tinawag. Ewan ko pero napalingon nanaman ako. Gano'n pa rin itsura niya, nakakaawa talaga bakit gano'n? Tssss. Ayoko na bumalik. Pero nakakaawa talaga siya. Nagtaloo yung isip ko. Babalik? Abante? Go back? Go on? Chimoy? Bahay? Arrrrgh! Ang tagal ko nang nakahinto. Para akong ewan. Babalik na lang ako.
Pero paglingon ko, wala na siya. Anubayan. Effort ko pa mag-isip wala pala akong babalikan.
Edi maganda, uwi na Mijara! Go home and plant camote!
"Chimoy!?" nabigla ako pag harap ko ulit sa uuwian ko. Nasa harap ko na siya. Nakangiti. Parang ewan. Parang adik.
"Will you be my bestfriend nga kasiiiiiiiiiii?" sabi niya habang kinukurot mga pisngi ko. Ang sakit! >.<
"Araaaaaaaaaaaaay ano baaaaaaa!" reklamo ko habang nakapikit. Ang sakit talaga swear! >.<
"Hindi ko 'to ititigil hangga't hindi ka pumapayag maging bestfriend ko... oo na... oo na... oo ka na..." pangungulit ng mokong.
"OO NAAAA TUMIGIL KA NAAAAAAAA!" mangiyak-ngiyak kong sagot. TT.TT
"O-oo rin pala e pa chicks ka pa! Tara kain tayo!" Hinila niya na ako. Wala akong imik pisngi ko pa rin iniisip ko shemay sa sakit. TT.TT
---
Hi please read din yung fantasy story ko "Witch is witch" hahahahaha!
---

BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Novela JuvenilWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?