-JULIA'S POV-
Nakatayo ako sa labas ng tennis field habang pinapanuod mag-practice si Marlon, natutuwa ako sa tuwing nagkaka-score siya. grabe napaka-talented niya talaga sa lahat.
Nilingon ko saglit ang malakas na hiyawan galing sa mga cheerleader at ibang nanunuod saka ibinalik ang paningin kay Marlon na ngayon ay magse-serve ng bola. pinatalbog niya muna ito sa lupa saka pumosisyon.
"Tinatanaw mo lang sya. I mean si Yoshida?" agad ako napalingon sa familiar na boses sa tabi ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Jeremy saka tumayo at sumandal sa bakod na gawa sa kawad.
"Kanina ka pa ba diyan?" Nagtataka kong tanong dahil hindi ko siya naramdaman sa tabi ko.
Tumango siya. "I see, you like him, right?!"
lumunok ako saka bumuntong hinga, ano pa bang itatago ko? alam naman ng lahat na ako yung babaeng nagbigay kay Marlon ng cake sa library. "Don't deny it, I saw your eyes looking at him?"
"Alam naman ng lahat na hindi niya ako mapapansin. Isa pa hindi lang ako ang umaasa sa atensyon niya, lahat din ng nandito!"
"I know but if don't do anything, He can fall in love with Angel. Okay lang ba sayo 'yon?" Taka kong nilingon si Jeremy.
"Angel is my friend at wala akong magagawa sa taong gusto ni Marlon, and that his choice."
"'yan ba talaga ang paniniwala mo? umaasa kang maghihimala ang langit dahil sa kabutihan ng loob mo. Wala akong masabi sayo Julia."
"Bat mo ba ito sinasabi?!"
"I just want to help you!"
"Anong ibig mong sabihin?" ngumiti siya saka lumapit ng kaunti. Itinapat niya ang kaniyang bibig sa aking tenga. "Hindi naman masamang maging makasarili minsan. sabihan mo lang ako kung gusto mo ng tulong." Tumalikod na si Jeremy.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa kinikilos niya.
Lumunok ako saka siya tinawag. "Jeremy, gusto mo rin ba si Angel? wala akong makitang dahilan kundi 'yon lang." ilang saglit din bago sumagot si Jeremy.
"Kung ano sa tingin mo Julia. but for me, Angel is everything to me." saad niya pagkatapos ay naglakad na papalayo.
Muli kong binalik ang tingin kay Marlon.
Paano kung gusto na rin ni Marlon si Angel?! Ngayon pa lang nalulungkot na ako.
Naglalakad ako sa Corridor pabalik ng Classroom, malalim ang pag-iisip ko ng biglang may humablot ng buhok ko mula sa likod. Naramdaman ko ang sakit nun saka tumambad sa'kin ang mukha ni Chloe.
Naiiyak kong narinig ang boses ni yasmin, nasisiguro kong siya ang may hawak sa buhok ko.
"Sakto Chloe, busy ang lahat sa field." Sumenyas si Chloe kaya naman nakaladkad nila ako papasok sa Classroom saka patulak na binitawan.
Naramdaman ko ang sakit ng pagtama ko sa sahig.
"Bat nyo ba ito ginagawa?!" nagtawanan sila.
"Hindi mo alam, namumuro na kasi sa akin si Angel at dahil magkaibigan kayo naisip kong ikaw na lang ang pahihirapan namin." Sigaw niya habang nanlalaki ang mga mata.
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
JugendliteraturNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...