|CHAPTER 71| Ketchup

10 0 0
                                    


-ANGEL'S POV-


2;58 am

Nararamdaman kong may naglalakad sa pasilyo patungo sa dulong pinto, kung saan naka-room si Colleen.

Ay-- ako pala yun whahaha!


Binuksan ko ang pinto ni Colleen gamit ang duplicated key. Marahan at maingat kong itinulak ito upang makapasok ako sa loob. Napangiti ako nang mapagtanto na mahimbing ang tulog ni Colleen, dun ko na naisip, magtalukbong ng puting tela at paliguan ng pulbo ang mukha ko.

Itinaas ko yung hawak kong ketchup na kinuha ko sa ibaba, pati na ang taling gagamitin ko.


Naghirap kaya ako dito.

Sinilip ko ang suot kong wrist watch saka gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi ko.


Oh right... 5 second before 3 am...

-5
.
.

.
.

-4
.
.

.
.

-3
.
.

.

-2
.



.

-1



Tot-tot-tot-tot-tot


"Ang ingay naman!" aniya ni Colleen, halatang naririndi sa ingay ng Alarm Clock. Itinapat ko kasi mismo 'yon sa tenga niya kanina.

Nang mahawakan nya ang digital clock, hindi man lang siya nagtaka na nasa tabi niya iyon marahil ay nanaginip pa rin siya. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata at pinagkatitigan ang oras. "3 am, ang aga pa pala!" sambit niya saka binitawan ito.

Papikit na siya ng biglang mamilog sa gulat ang mga mata niya, sandali siyang natulala bago napasigaw at napatalon sa kama niya


AH- AHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!

MAMA! MA! AHHHH!!!!!



"Coliling, ibalik mo ang ulo ko. Ibalik mo na. akin na!" umiiyak kong bulong habang nagsisisgaw siya.

"AHHHH! UMALIS KA DITO. ALIS! MAMA! MAMA!!!" paulit-ulit na tili niya.

Kinuha ko yung ketchup na nasa bulsa ko at pinasirit 'yon sa mukha ni Colleen.

"DUGO! DUGO! MAMA!" bulalas niya saka nagmamadaling nagtungo sa pinto.

Agad ko siyang hinabol bago pa siya makalabas.

Patay ako kapag nakalabas siya...

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon