ANGEL'S POV
Nang makarating ako sa ibaba at makaharap ang tatlong lalaking nagbigay kulay ng mundo ko, hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko. Salamat at nakilala ko silang tatlo.
Nakangiting nag-thumbs up sa akin si Jeremy, ngumiti naman si Rence at si Marlon naman ay walang reaksyon ang mukha, nakatingin lang sya sa akin kaya ngumiti na lang ako. Ilang sandali pa ay may naglahad ng kamay nya sa harap ko. Marahan kong inabot ang aking kamay sa kanya at dahan-dahan nya akong inilakad sa gitna ng malawak na espasyo.
Nagsimula kaming magsayaw at bawat hakbang ko bumabalik sa isip ko kung paano ba kami nagsimula ni Rence.
Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din sya sa'kin. "Happy birthday and I'm glad to be your first dance, Angel. Ang hiling ko lang... bawasan mo na sana ang pagiging pasaway at padalos-dalos mo." Napamaang ako kasunod nun ang pagnguso.
"Ang brutal mo naman, minsan lang ako magpasaway." Pagtatanggol ko sa'king sarili na ikinangisi niya lang.
"ki-madalas o minsan, parihas lang 'yon. H'wag ka nang kumontra." ani ni rence, atsaka sumeryoso. "Isipin mo sana yung lagi kong sinasabi, nag-aalala lang ako sa'yo. Hindi sa lahat ng pagkakataon nasa tabi mo ako para tulungan ka. Kaya magpakabait ka na Okay!"
Napangiti ako. "Grabe, ngayon ka pa talaga nanermon. Pwede bang palagpasin mo muna... kahit ngayong araw lang!" Hirit ko.
Sabay kaming natawa. "Thanks Rence, I did not expected that all of these happened, right now."
"Nobody wants to tell you about this, Angel. Because we want you to feel special today. Are you surprised?!"
Nakangiti akong tumango. "Oo naman, sobrang ang saya ko at nag-uumapaw pa!" Pagbi-bida ko sa kaniya.
"Good to hear that. By the way before i forgot..."
Suminghap muna siya atsaka nahihiyang ngumiti. "Masaya ako dahil nagkasama ulit tayo, Angel." lumapad din ang ngiti ko sa mga sinabi niya."My pleasure." lumunok ako bago nagsalita. "Rence, Thanks for always being there for me when i needed you the most. Thank you For caring and protecting me and thank you for this, i greatly appreciate your generosity and effort..."
"Hindi mo kailangang magpasalamat, ginawa ko 'to dahil--" binitin ko ang pagsasalita niya.
"The reason why i'm telling this because... I love you!" Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla sa mga sinabi ko. sinundan ko agad ang sinasabi ko upang hindi siya maguluhan. "I know a lot of things changed the day you left, 9 years is a long journey for us. Now i already prove myself how much i love you, Rence.
You know what I still comfortable with you. I dont need to pretend to be anyone or anything. Thanks to god because he sent you to me. I am so lucky to have you in my life and that feeling will never changed." Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. "Rence, You're my family and a brother to me. I hope we will keep in touch!" Sandali kaming natahimik na dalawa.
"Family, a brother?!" usal niya. Nakita ko sa mukha niya ang biglang pagpakla ng mga ngiti niya at pilit niya iyong itinago. Pakiramdam ko may sinabi akong mali. "Now, i know..." Mahina ngunit may lungkot sa tono.
Tinitigan niya ako sa mata bago siya nagsalita. "I have only one wish for your birthday as your big brother." aniya.
"ano?"
"I wish your happiness, only your happiness, Angel." saad niya na nagpakabog ng dibdib ko.
Hanggang ngayon kasiyahan ko pa rin ang hangad niya, katulad noon.
Matapos naming sumayaw ni Rence, inabot niya na ang kamay ko kay Jeremy na ngayon ay kalalapit lang sa'min. Habang tinitingnan ko si Rence hindi ko maipaliwanag ang lungkot na bumalatay sa mukha niya. Punong-puno ng lungkot at tanong ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Ficțiune adolescențiNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...