-ANGEL'S POV-
Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama.
Hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko. Siguro nga tama si Marlon naiingit ako at natatakot din. Minsan lang ako nagkaroon ng mama kaya nag-aalala ako na baka isang araw ayaw na rin niya sa akin katulad ng dad ko at ibang kamag-anak. Haist!
Ginulo ko ang buhok ko at nagpagulong-gulong sa 'king higaan
Tok! tok! Tok!
Nilingon ko ang pinto at nakita kong nakasilip dun si mama, medyo nakabukas pala yung pinto nung pumasok ako sa loob kanina.
"Angel, pasok na ako." humingi muna siya ng permiso bago tumuloy sa loob ng kwarto ko. lumapit sya at naupo sa kama ko.
"Mama"
"Angel, gusto ko lang sanang tanungin, ayaw mo ba kay Colleen?" Natahimik ako sa tanong ni mama.
Ayoko sumagot. Maaaring ito ang maging dahil kong bakit magbago ang pakikitungo ni Mama sa 'kin.
"Hindi naman po sa ayaw ko sa kaniya." Naramdan ko ang paghawak ni Mama sa kamay ko.
"Sinabi nya sa akin na parang ayaw mo daw sa kanya. Isa pa, napansin ko rin kanina." Yumuko lang ako at hindi sumangot. "Angel, Wag mo sanang isipin na magbabago ang turing ko sayo dahil nandito si Colleen. Parihas kayong mahalaga sa 'kin... kaya sana maging magkaibigan kayo. Ayoko lang na makitang nag-aaway-away kayo, malulungkot ako. Para sa akin kasi pare-pareho ko kayong anak."
"Sorry po sa inasal ko kanina."
"Naiintindihan ko pero sana lang maging magkaibigan kayong dalawa. Gusto ko kayong makitang masaya dito sa loob ng bahay at walang nagkakaingitan o nag-aaway." aniya ni mama. Tumango na lang ako saka ako niyakap ni mama ng mahigpit.
I will try mama... Pero! pero! Pero!
Kapag hindi sya naging mabait sa 'kin, Itutulak ko sya sa bangin! Joke lang... pero Hindi ko talaga sya pagbibigyan.
Lumabas na si mama sa kwarto ko at ibinagsak ko ulit ang katawan ko sa aking higaan.
Ilang sandali nung umalis si mama, may naramdaman akong pumasok kaya naman iniangat ko ang aking ulo para makita kung sino sya.
SPEAKING OF THE DEVIL!!!
"Hello Angel! kamusta ang pag-uusap nyo ni Mama. badshot ka na ba?" magpang-aasar ang tono niya habang
nililibot ng mga mata niya ang loob ng aking kwarto. marahan niyang isinara ang pinto. "I want your room. it's bigger than the room I have." tumaas ang kilay ko saka natawa."What is your plan now. will you take it? kaso baka mahirapan ka, hindi kasi ako basta na lang naaagawan ng kung sino lang."
"Really! You are so interesting, Angel."
Tumayo ako at nilapitan siya. "I know you don't like me either, wag na tayong mag-plastikan. Ayoko rin naman sayo pero para kay mama, I will try to be nice with you, Colleen Quinn Velasco."
"Mama?!" bigla syang natawa! "it's a good thing we don't like each other. Well, let me tell you my first plan. First, let's get you out of here. Take your room and be close to Marlon."
Gusto kong tumawa ng malakas sa pinagsasabi niya. Akala nasa teleserye kami. kung magsalita siya akala mo talaga biktima siyang kinawawa ng kontrabida.
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Novela JuvenilNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...