|CHAPTER 10| Pintura

41 23 0
                                    

-ANGEL's POV-

Nasa tapat ako ng Rest room nang marinig kong may nag-uusap sa loob at madalas pang nababanggit ang pangalan ko at kung hindi ako nagkakamali, silang tatlo na naman iyon.

Naisip ko ng pumasok sa loob dahil wala naman akong mapapala kong aantayin ko pa silang lumabas.

Nagtinginan sila sa akin. "Anong himala? Hindi mo ata kasama si Prince M?" aniya ni Chloe. Nakaharap siya sa salamin at naglalagay ng lipstick. Samantalang kalalabas lang nung dalawang alipores nya sa loob ng cubicle.

lumapit sila kay Chloe na ikinairap ko. "Patawa ka! alangan namang isama ko pa sya dito sa Cr ng babae."

"Bitch!" asik niya.

"Bakit dapat ba kasama ko sya? baka naman kapag ginawa ko yon mamatay naman kayo sa ingit ng mga alipores mo." sumama ang mukha nung dalawa pero si Justine ngumisi lang habang nakatitig sa akin.

"O'cmon my dear Angel. One day, you'll regret it because I will make sure your life will be miserable here... so beware." pagbabanta niya pa.

"Don't you worry my dear Chloe I'm not scared." Nakangiti kong saad. kung ayaw nya akong maging kaibigan, ayoko rin sa mga gaya nya.

Halata sa mukha ni Chloe ang inis. Agad na lumipad ang kamay nya sa ere para sampalin ako ngunit agad akong nakailag. Ibinalik ko sa kanya ang sampal na igagawad nya dapat sa'kin.

Malakas syang napatili at napaatras. Bago pa man sya makaganti sa ginawa ko ay malakas ko na syang sinampal dahilan ng pagkasobsob nya sa lababo. kung noon imagination ngayon totoo na 'to.

Lalapit sana ako kay Chloe kaso naramdaman ko ang malakas na paghila ng kung sino sa buhok ko. Nang pinilit ko iyong lingunin, napagtanto ko na si yasmine 'yon. nakailang beses akong nakipaghilahan sa kanya ng buhok, pakiramdam ko ay matatanggal ang anit ko sa sobrang sakit.

Asar kong hinanap ang braso nya at nang mahawakan ko 'yon, malakas ko siyangng hinatak papunta sa pader, binalandra ko sya ng ilang ulit, hanggang sa nabitawan nya ang aking buhok. Nakailang beses nyang ininda ang sakit sa kanya tagiliran at braso. halata ang gulat sa itsura ni Justine at ganun din si Chloe.

Pinatunog ko ang mga daliri ko at dali-daling tumakbo palapit kay Chloe. Napapikit sya at mabilis na ipinansalag ang mga braso nya sa kanyang mukha.

bumungis-ngis ako halata ang takot sa kanyang mukha nung makita ko 'yon subalit wala akong pakialam. Agad kong inangat ang aking paa at sinipa ang binti nito na syang dahilan ng paglangoy nya sa sementadong sahig.

Malakas ang sigaw ni Chloe dahil sa pagbagsak ng kanyang puwetan sa sahig.

"Aw! aray! help me! Yas, help me!" Niligon ko si yas, takot syang katingin sakin.

"But Chloe..."

"anong but-but ka dyan?! gusto mong tamaan ng bat, tulungan mo ako dito."

Teka Asan Yung Isang Alipores?

Dahil naging busy ako kay Chloe hindi ko na alam kung saan nagpunta si Justine.

"Angel!" malakas nyang sigaw.

Mabilis akong nakalingon nahagip ko ang pagtaas ng kanyang mga kamay, may hawak syang balde at agad nya iyong isinaboy sa akin. Mabilis din akong nakailag sa ginawa nya.

sunod ko na lang nakita at naliligo na ng pintura si Chloe. sobrang lakas ng sigaw nya dahil sa nangyari samantalang ako patawa-tawa lang habang nakaupo sa gilid ng lababo.

"Hala ka!" Gulat pa rin ang itsura ni Justine at nanghihina naman si yasmine. Ang bruhang leader naman nila... heto at nag-iinarte.

Sumugod sa'kin si Justine pero tumalon lang ako sa gilid na lagpas sa kanya. Bago pa man sya makalingon nasipa ko na sya sa likod at dere- deritso syang sumubsob kay Chloe. nanginginyak na lumapit si yasmine sa dalawa.

Wala Pala Itong Mga Sinabi Sa Akin E.

"Delivery!" lumingon ako sa ma-eksinang pumasok sa cr. Delivery mismong sa cr?! Pwede pala yon.

Namilog ang mga mata ko ng makilala ko sya.

"Jeremy!" kumindat sya sa akin at inilapag ang dalawang timba ng pintura. Gumuhit ang ngiti sa aming mga labi, para bang... parehas kami ng naiisip.

kinuha ko ang isang timba, at sandali akong tumahimik, para akong nag-oorasyon. "kulayan ang mundo ng magic pintura, kanilang pangit na ugali ay baguhin, ngayon din."

Malakas na sigaw ng tatlong bruha ang namutawi sa loob ng cr na iyon. Muli kong binuhat ang kulay pulang pintura at ibinuhos sa kanila.

"Next time maghanap kayo ng kaya nyong ibully." nakataas ang dalawa kung kilay habang nagsasalita. P*ta! Mukha Akong Gago.

"Angel you will pay for this!" galit na galit na sigaw ni Chloe. imbis na sumagot, dumila lang ako dahilan kaya lalo syang nabwiset.

Paglabas ko ng pinto nagulatang ako sa dami ng studyante, akala mo ay may shooting. Syempre di mawawala ang picture, panay ang ngiti ko. Angel po pakiboto... lumapit ako dun sa isang lalaking at nakipagkamay, masayang masaya kaming nagkakamayan.

May mga nagbubulungan, tumatawa at naawa. Nang makita ko si julia, labis ang pag-aalala nya, agad ko syang inakbayan.

"Let's go Julia. maglilinis pa kasi sila ng kalat nila dyan. wag mo na silang kaawaan pa."

Naglalakad na kami pabalik sa classroom at hinayaan na yung tatlo.

"Angel, Sorry!" Tumingin ako sa mata nya?

"Bakit ka nagso-sorry."

"Hindi ko nasabi na may balak silang tatlo sayo. nakakakonsensya, paano kong sayo natapon yung pintura."

'yon na ang balak nila? ang lupit! hindi halatang may balak sila. kaya pala ang bilis makahanap ni Justine ng pintura, buti na lang dumating si Jeremy. Tinulungan nya na naman ako.

Ngumiti ako at tinapik si julia sa balikat. "Ayos lang. wala kang kasalanan." Sabi ko pero halata pa rin sa mukha ni Julia ang pag-aalala.

-JULIA's POV-

Alam ko ang mangyayari kay Angel kanina, narinig ko ang usapan ng Wonderpets sa Restroom kahapon, kaya ko nga hinahanap ko si Angel para balaan. Buti na lang kaya nyang ipagtanggol ang sarili nya.

Habang naglalakad kami pauwi napansin ni William ang pagiging tahimik ko.

"Julia may problema ba?" umiling lang ako. "bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni Wlliam

Bumuntong hininga ako. "Si Angel, kakaiba syang babae. alam ko na ngayon kung bakit nagagawa syang pansin ni Marlon."

"h'wag mong sabihin na kinukumpara mo pa rin ang sarili mo sa kanya?"

Naitikom ko lamang ang aking bibig. Hindi ko alam ang sasabihin. "Alam mo Julia, wag mong maliitin ang sarili mo. may dahilan si Marlon kung bakit ayaw nya sayo. sorry! kung prangka pero totoong.

Ayaw nya sayo! nagagawa nyang pansin si Angel dahil magkasama sila sa iisang bahay, isa pa kinakapatid nya si Angel."

Lalo akong nalungkot dun sa part na magkasama sila sa iisang bahay. Mas maraming oras kasi ang meron sya para makausap si marlon. Naisip ko na naman yung Invisible String. Paano kung sila pala ang nakatadhana.

"Oo nga hindi ka gusto ni Marlon pero tiyak ako may ibang tao dyan na gusto ka. Hindi mo lang napapansin." sinserong saad niya.

"Sino sa tingin mo?"

"Aba, Malay ko. alangan naman pati 'yon alam ko?"

"Ganon ba? akala ko alam mo kung magsalita ka kasi parang kilala mo sya."

"Oo nga pala, nasabi mo na ba kay Angel yung nalaman mo kahapon?"

"huli na ako nung nasabi ko pero good news kasi kaya ni Angel ipagtanggol ang sarili nya. Nakakahanga sya. tinuruan nya nga ng leksyon yung tatlo bruha." nakangiting sabi ko

"'yan nakangiti ka na ulit." Bigla akong inakbayan ni Willian. "dahil ngumiti ang bestfriend ko, ililibre ko sya ng ice cream."

"Talaga!" naglakad na kami patungo sa ice cream parlor na malapit lang sa school.

Nakakatuwa dahil may bestfriend akong tulad ni William na laging nandyan para sa akin.


Salamat William...

TO BE CONTINUE...

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon