|CHAPTER 57| Pamilyar na boses

38 7 0
                                    


-ANGEL'S POV-

Pinalagatok ni Rence ang mga daliri niya sa kamay, itinaas naman ng lalaking kaharap niya ang hawak nitong baseball, pawang nagpapakiramdaman ang dalawa ngunit halata na ang tensyon sa pagitan nila. Nang hindi na makapag-antay ang lalaking kaharap ay wala itong takot na sumugod at hindi man lang inisip kong anong pweding maging atake sa kaniya ni Rence. Padalos-dalos, iyon lang ang mga salitang lumabas sa isip ko.

Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid, paulit-ulit iwinasiwas ng kalaban ni Rence ang baseball bat na hawak ngunit kahit isa ay wala man lang tumama, ang bilis ng kilos ni Rence at malabo man lang siyang masundan ng lalaking harap.

Nilingon ko ang paligid...

Mukhang atat na ang bawat isa na sumugod, mga nagngingit na sila sa inis at gustong-gusto ng sumuntok, hindi pa nila iyon magawa dahil nag-aantay pa sila ng hudyat galing dun sa kevin.

Napalunok ako ng makita ang pagngisi ni Rence, mabilis siyang nakailag at nadapot ang isang sako nakatambak sa gilid, halata ang bigat nun pero walang hirap na naihampas ni Rence ang hawak na sako sa kalaban dahilan ng pagbasak nito sa lupa.

"Tama na ang laro, ayoko ng paisa isa!" bulalas ni Rence.

"Mayabang ka! Sige tirahin nyo na 'yan, wala akong pakialam kong magkabali-bali ang buto ng mayabang na iyan o mamatay pa iyan sa harap natin."

Nang marinig iyon ng mga aliporis niya, mabilis pa sa kidlat ang pagkilos ng mga mga lalaking iyon. Kaniya-kaniyang sugod pero nakita ko sa mata ni Rence ang excitement.

Muling may sumugod kay Rence nagpupuyos iyon sa galit ngunit sinalag niya lang ang braso nito saka niya binira ng suntok sa sikmura, pagbagsak ng isang lalaki, hinablot naman ni rence ang bagong lapit sa kwelyo nito at saka inunday ang magkasalikop na kamao niya sa likod ng lalaki.

Bago pa ako tuluyang mawili sa kapapanuod ay naisip ko ng umatras palayo ng hindi nila napapansin, agad akong tumalikod at kinuha ang Cellphone ko sa bulsa, mabilis akong dinial ng number.

Hindi pa man nasasagot ni Jeremy ang tawag ng maramdaman ko ang mabigat na brasong bumagsak sa balikat ko. bago pa man ako makalingoy ay tinapik niya na ang Cellphone ko at tumalsik iyon palayo sa akin.

"Tingin mo ba makakahingi ka ng tulong!" sigaw niya. kabado akong humarap ngunit mabigat na kamay niya ang sumalubong sa pisngi ko, sa lakas nun pakiramdam ko ay na manhid ang buong mukha ko at bigla na lang akong natumba sa kinatatayuan ko.

Ilang segundo rin ang nakalipas bago ko nalasahanan ang dugong umagos sa aking labi. Nanginginig akong napatras ng makita ang dugo sa aking kamay, mabilis na lumapit sa akin ang lalaking si kevin at walang-anu-anoy dinakma niya ang aking leeg.

Halos hindi ako makahinga, gusto kong magpumiglas subalit hindi ko magawa, nanghihina ako.

Dahan-dahan nagbalik sa isip ko si Lyianna at nung araw na masangkot kami sa malaking gulo sa hellbound.

'yon ang simula ng lahat...



-Flashback-

"Lyianna please gumising ka!" paulit-uli kong saad, sakay siya ng stretcher habang inaalalayan ito ng mga nurse sa magkabilang gilid.

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon