|CHAPTER 32| Turn the lights On or Off

80 10 0
                                    

-MARLON'S POV-

Hays!!! bakit ko ba 'yon sinabi baka isipin niya pa nag-aalala ako sa kaniya?! ah, bahala siya magbigay ng meaning, ang sakin lang, ayokong pati si mama madamay ng dahil sa kaniya.

Nilingon ko si Angel ng makapasok na siya ng pinto, halata ang pagkailang niya, kahit naman ako naiilang. Ngayon lang may matutulog na babae sa kwarto ko at si Angel pa.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama, halata ang pagkabigla niya kaya naman umatras siya palayo sa'kin. ano naman sa tingin niya ang gagawin ko sa kaniya?!

"Angel sa kama ka na matulog, dito na lang ako sa sofa," halatang nabigla sya sa sinabi ko. Anong inaasahan niya sa sahig ko siya patutulugin? e, di na yari pa ako kay Mama.

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang napangiti. "H'wag mong sabihin masaya ka pa sa nangyari?! Pwerwisyo na nga ang inabot ko sayo, nakukuha mo pang magsaya." Ngumuso siya na ikinairita ko.

Nagpapa-cute ba siya?!

"Kasasabi mo lang na nag-aalala ka, ang bilis naman ata magbago ng nararamdaman mo?" mariin akong napapikit sa sinabi niya.

Ito nga ba ang sinasabi ko... mga maling akala.

"Tsk!"

"Hayaan mo na nga. kahit papaano naman mabait ka pa rin dahil hindi mo ako hahayaang matulog sa sahig.""

"Mabait, ako? Wala lang akong choice. Sa palagay mo matutuwa si Mama kapag tumanggi ako na samahan ka ngayong gabi at dito patulugin sa sahig. Mag-isip ka nga!"

"Nice, lumabas din ang pakay mo. Pasabi-sabi ka pa diyan na nag-aalala ka, Ang Plastic mo!" Asar ko siyang nilingon.
"Alam mo kawawa yung babaeng magkakagusto sayo," saad niya ng walang pakundangan sa harap ko. "Pa-iibigin mo lang sila ng matatamis mong salita pagkatapos babawiin mo. masyado kang pa-fall."

Nagpanting ang tenga ko sa sinambit ni Angel kaya naman agad akong lumapit sa kaniya. Nabigla siya ng ilapit ko ng kaunti sa kaniya ang mukha ko. "Bakit naranasan mo na bang mahulog pagkatapos di sinalo?" Kitang-kita ko ang pagkailangang niya at pamumuo ng pawis sa kaniyang nuo.

"Bat ang la-lapit mo?! Sabi ni Mama ka-kapag may ginawa ka sa akin sumigaw ako!" nauutal na saad ni Angel na ikinatawa ko.

Umayos ako ng upo habang natatawa pa rin. "Bat ka nauutal ka? akala ko ba matapang ka mukhang wala ka atang magawa? Isa pa, asa ka naman na may gagawin ako sayo!"

Halatang nabigla si Angel sa inasal ko, ako rin naman nabigla sa ginawa ko pero hindi ko na talaga mapigilan na di matawa sa reaksyon niya.

"Okay ka naman pala kapag tumatawa, bakit mas pinipili mong maging tahimik at mag-isa?!" Nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang sinabi niya. Hindi naman siya nakasimangot, nakikita ko lang sa mga mata niya ang kuryosidad.

"Kapag sinagot ko iyan e,di... hindi na ako cool, tama?!" ngumiwi siya sa sinabi ko.

"Siraulo!"

"Bibig mo, kababae mong tao kung anu-anong lumalabas diyan sa bibig mo?!"

"Nanay ba kita para sitahin ako?!"

"Hindi pero nandito ka sa kwarto ko. At sa kwartong ito ako ang masusunod."

"Pakialam ko, bahala ka sa buhay mo. Matutulog na ako! pakipatay na lang ng ilaw!" Sumama ang mukha ko sa mga utos niya sa akin.

Sarili kong kwarto inuutusan ako. aba ayos!

teka papatayin ang ilaw?! Sinabi ko na sa kaniyang mayroon akong night blindness, e.

Hindi ko siya inintindi at nahiga na lang sa sofa.

"Oi! Marlon, patayin mo na ang ilaw! hindi ako makatulog!" asik niya.

"Ayoko! Hindi ako natutulog ng patay ang ilaw." sigaw ko rin.

"Hindi naman ako makatulog ng buhay ang ilaw."

"Pakialam ko rin, akin ang kwartong 'to kaya ako-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng tumayo si Angel at pinatay ang ilaw.

Inis kong sinigaw ang pangalan ni Angel ngunit hindi niya pa rin binuhay ang ilaw. "Angel!!!"

"Bahala ka! kung gusto mo, buhayin mo na lang?"

"Ayos ka talaga, kung umasta ka parang kwarto mo to!" Gigil kong saad.

"Problema ko ba yon? Pumayag kang matulog ako dito kaya sorry ka na lang!" Padabog akong nagtalukbong ng kumot. gusto ko man buhayin ang ilaw pero hindi ko magawa.

kainis!

MULA sa mahimbing kong pagkakatulog pakiramdam ko ay nasilaw ako sa liwanag kaya naman marahan kong idinilat ang aking mga mata. Tumabad sa akin ang nakakasilaw na liwanag galing sa florescent light, tinakpan ko ang aking mata at naupo. Kinapa ko ang aking salamin na ipinatong ko sa side table ng sofa.

Ilang minuto ang lumipas saka ko naisip lingunin si Angel, mahimbig pa rin ang pagkakatulog niya at nakatalikod sa akin. Napansin ko uli ang liwanag ng paligid.

Nakakatulog din pala ako kahit walang ilaw, hindi ko lang sinusubukan dahil talagang malabo ang mga mata ko kapag madilim. Siguro binuhay ni Angel ang ilaw, may puso rin pala ang babaeng iyon. Malakas lang talagang mangbwiset!

Pagtingin ako sa oras 3:35 am pa lang pala. Tumayo ako para kumuha ng tubig paglapit ko sa side table, nakita ko ang maamong mukha ni Angel kapag tulog. Matapos uminom ng tubig, inayos ko ang kumot niya at sandaling pinagmasdan ang mahimbing niyang pagkakatulog.

Bigla kong naisip ang sinabi sa'kin ni mama tungkol sa kaniya. Iyon yung araw na naisip ko na... mas maswerte nga ako sa kaniya. Iyon din ang unang araw na nagandahan ako sa kaniya habang suot ang Yellow Dress, para siyang bulaklak na tinatangay ng hangin nun sa kung saan dahil sa paulit-ulit niyang pag-ikot na parang isang ballerina.

Matapos ko ayosin ang kumot niya, umayos ako ng tayo, baka magising sya at kung ano pa ang isipin niya.

Nang mabaling ang atensyon ko sa papel na may nakadrawing na smiling face, agad ko iyong dinampot at nagtungo sa kwarto ni Angel. Pagkabukas ko ng ilaw, tumambad pa rin sa akin ang basag na bintana at pira-pirasong bubog. Hindi 'to nagkataon lang, ito rin yung lugar kong saan nakita ko yung lalaking nakasuot ng Gray Hoodie Jacket.

Kung siya nga ang taong gumawa nito, bakit kailangan nya pang maglagay ng Smiling Face? Sino kaya ang may hawak ng Cellphone ko? Alam kong may gumagamit nun, hindi ko lang alam kong ano bang gusto niyang mangyari.

Kaya ko nalaman na may bumato sa salamin ng bintana ni Angel ay dahil kay Mama. Habang umiinom ako ng tubig sa kitchen kanina lumapit si mama sa akin.

Sabi nya "Marlon bakit tinext mo ako na may mambabato sa bintana ni Angel?"

Ang naka-register na pangalan at number ng nagtext kay Mama ay sakin. Sinabi ko kay mama na nawawala yung Cellphone ko nong nakaraan pa. Nag-alala kami kaya agad din kaming nagtungo sa kwarto ni Angel, nakasalubong pa nga namin si papa kaya sumama na rin sya pero pagbukas ko ng pinto. Yun na nga ang inabutan namin.

Alam na alam nilang hindi maririnig sa labas ang nangyayari sa kwartong to dahil soundproof ang loob. tinext nya si Mama gamit ang Cellphone ko.

Ngayon lang nangyari to?

Ano kaya ang pakay ng taong 'yon? bakit nya binato ang bintana ng kwarto ni Angel?

TO BE CONTINUE

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon