|CHAPTER 27| Dear Self

45 5 0
                                    


-ANGEL'S POV-

Nakayuko lang ako habang nakatingin sa ibaba, inaatay ko pa rin ang paglabas niya sa kwartong iyon. Hindi ko alam kung bakit ang tagal naman ng pakikipag-usap niya sa doktor. I sigh.

Nangyari itong lahat ng dahil na naman sa'kin. kapag nalalaman uli ni dad 'to siguradong itatakwil niya na ako kagaya ng sinabi niya nung huli naming pagtatalo. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari.

Nasaktan si Rence ng dahil sa'kin, agad kong inangat ang aking mukha ng may mga paang huminto sa harap ko. Ngumiti lang s'ya sa'kin at ginulo ang buhok ko?

"Anong sabi ng doctor?!" Tanong ko habang nakatingin sa mga sugat at pasang tinamo niya sa nangyari.

"Mamamatay na daw ako." Seryoso niyang sambit.

Nagkatitigan muna kami saka ako napangiwi. Tumawa lang siya. "Ano ka ba! Ayos lang ako. H'wag ka na mag-alala, sa itsura mo kasi para kang namatayan."

"E, Paano kong na pasama ka dahil sa'kin?!" Umupo si Rence sa tabi ko.

"Don't think about it. This is not your fault, Angel. Hindi naman ikaw ang pakay nila kundi ako."

"Pero kasi..." Iniwas ko ang tingin sa kaniya at saka yumuko. naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabila kong braso.

"Look angel, I'm okay now so please! stop blaming yourself! kasi, kasi mas sisisihin ko pa ang sarili ko kung ikaw ang napahamak. Ang mga sugat at pasa na natamo ko ay normal lang sa gaya kong sanay sa gulo."

Dahan-dahan kong iningat ang aking mukha at tinitigan ang mga mata niya. Hindi man niya sabihin pero ramdam ko ang sobra niyang pag-aalala.

Sa totoo lang natutuwa ako na may pakialam pa rin sya sa akin tulad noon at Ang sarap lang isip na parehas kaming nag-aalala sa isa't isa.

But at the same time, nakoKonsensya ako sa lahat ng nangyari ngayong araw.

Ngumiti ako sa kaniya. Ayoko na siyang mag-alala pa. ngayon lang uli ako nakaramdam ng ganito. Salamat dahil may isang taong ayaw akong mapahamak.

"Kung naalala mo pa, sinabi ko sayo ito noon. Po-protektahan kita at hindi ako bumabali ng pangako." tinaasan ko siya ng kilay at umarteng naiinis.

"Tsk! Anong sabi mo, po-protektahan mo ako? kung ganun, Bakit mo ako pinahabol sa mga alipores mo nung nakaraan?!"

"Para pagtripan ka at ipakita sa'yong malaki na ang pinagbago ko. hindi na ako 'yong batang kaya mong i-bully noon, bukod sa mas matangkad na ako ay talaga gwapo pa." Pagyayabang niya pa.

"Hay naku! biglang humangin ng malakas." Nagkatingan kami at sabay na natawa.

"Ano nga? Nakalimutan mo na ako 'di ba?!" saad niya. Sandali ko siyang tiningnan at ngumiti. Tanging tango na lang ang sinagot ko sa kaniya. kahit ang totoo ay hindi ko naman siya nakalimutan kahit na kailan.

Dear self,

Paano ko, makakalimutan ang unang taong nagparamdam sa'kin na Special ako at ang unang taong nagustuhan ko. Nung mga bata kami si Rence, pinaramdam niya sa'kin na 'di ako nag-iisa sa mundo, na magkaramay kami kahit madalas na magkaaway,

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon