-ANGEL'S POV-Pagkagaling namin sa orphange hindi na namin pinagusapan ang mga nangyarin sa maghapon dahil hindi naman kasi kami okay talaga. Tahimik kaming pumasok ni Marlon sa loob ng bahay, dun naabutan namin ang lahat sa sala, mababakas sa mga itsura nila ang problema at lungkot sa nangyari.
gusto ko man na magtanong sa katahimikan na iyon pero hindi ko magawa. iba ang kutob ko.
"Kamusta ang araw nyo?!" Tanong ni Mama ngunit pansin ko agad ang lungkot sa mga ngiti niya. Kinakabahan na talaga ako. Napalingon ako sa malalim na buntong hininga ni Tito tim at hindi niya ako magawang tingnan. "Alam kong pagod kayo. halika at kumain muna kayo?!"
"Mah may problema ba?" Tanong ni marlon na lalong nagpakabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko, may kinalaman sa akin ang pananahimik ng lahat. ano bang nangyayari.
"Mamaya na natin pag-usapan. mas mabuting magdinner muna kayong. makakapag-antay naman iyon eh." Aniya ni mama.
sinunod namin ang sinabi niya, kumain kami ngunit ang gabing ito ay ibang iba sa mga araw na nagdaan, sobrang lamig at nakakaba. hindi ako sanay na ganito katahimik ang lahat, aminado akong madalas ako ang nagsisimula ng ingay sa hapag pero ngayon nag-aalinlangan akong magsalita. napansin ko ang pasimpling pagsulyap sa akin ni Colleen. bahagyang umangat ang gilid ng labi niya na nagpalunok sa akin.
Matapos kumain nag-antay ako may magkwento sa nangyari ngayong araw pero pinaakyat na ako ni Mama sa kwarto ko at dun na lang daw niya ako kakausapin. hindi na ako umapila at nagtungo na ako sa kwarto ko kahit puno ang isip ko ng mga tanong na hindi ko masagot.
Nang makarinig ako ng magkakasunod na katok mula sa pinto ng kwarto ko agad akong nagtungo dun at pinagbuksan si mama.
"Ma, galit po ba si tito Tim sa'kin?!" bungad kong tanong na nagpatigil sa kaniya.
bumuntong hininga rin siya. Inakay niya ako palapit sa kama at dun naupo. "Hindi siya galit angel, may nangyari lang ngayong araw. Siguro dala iyon ng stressed niya sa trabaho. Pagpasensyahan mo na lang!"
"Mama, iba po kasi ang kutob ko. pakiramdam ko may ginawa akong mali."
Hinawakan ni mama ang kamay ko. "Angel, Naalala mo pa yung documents na pinadala sayo ni manang nung nakaraan sa kwarto namin." tumango muna ako bago sya nagpatuloy sa pagsasalita. "nawawala kasi iyon." nanlaki ang mga mata ko.
"Nawawala?!" pag-uulit ko. "pero nilapag ko lang po iyon sa table. inipitan ko pa nga po ng pampabigat para hindi liparin at madali nyong makita mama. kaya paano pong mawawala." paliwanag ko.
"hindi ko rin alam angel kung paanong nangyari. basta wala iyon sa table. may kasalanan din ako dahil nawala sa isip ko ang tungkol sa documents. late ko na lang din kasi napansin na wala pala yung mga documents na pipirmhan ko nung hinanap na sa akin ni Tim."
yumuko ako dahil sa hiya. "I'm sorry mama!"
"no angel, wala kang kasalanan masyado lang siguro kaming naging pabaya. hayaan mo na ang tungkol dun, kami na ang bahalang umayos ng lahat."
"mama! naniniwala ka naman po sakin diba?!" tinitigan ako ni mama sa mata saka tumango.
"Sige na magpahinga ka na?!"
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Подростковая литератураNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...