|CHAPTER 30| Computer Games

31 5 0
                                    

-ANGEL'S POV-

Angel? minsan ba naisip mo tanungin ang sarili mo kung anong ginagawa mo sa lugar na to?

Ano bang klaseng tanong yon?

Nandito ako kasi...

"Arayyyyyyyyyyy........"

Bigla kong nabitawan ang buhok ni Chloe dahil sa pagsigaw nya. Hindi ko namalayan na hawak-hawak ko pala ang buhok niya at dahil sa sobrang pag-iisip ko, nahatak ko na ang mahaba niyang buhok. Paano bakit?! sa likod lang kasi nila kami nakaupo ni Rence kaya sobrang lapit lang ng buhok nya sa 'kin.

"What's the problem with you?!" sigaw nya.

"Sorry!" tangi kong sambit ng makita ang nakabusangot niyang mukha. Nagngingitngit siya sa galit at ayaw nitong tanggapin ang Sorry ko. Akala siguro ay galing lang sa ilong ang pahingi ko ng sorry, hindi niya ba alam?!

"I'm sincerely apologize for what i did right now, Chloe!"

"Do you think when you apologize everything will be okay?! No way! I can't! I dont need your Sorry!"

"e, anong gusto mo?! kantahan pa kita Apologize." pagtataray ko.

"Hu-what?! muntik mo na nga akong kalbuhin, nagtataray ka pa!" Asar na saad ni Chloe.

Napangiwi ako ng tiningnan ko ang aking mga kamay. May mga hibla 'yon ng buhok na siguradong galing kay Chloe, ngumisi na lang ako ng makita ang masamang tingin niya sa'kin.

Gusto ko matakot sa itsura niya subalit hindi ko alam bat nagmumukha iyong nakakatawa sa'kin. Siya ata ang bagong Version ng Chuckie the Movie.

"Look, I'm very sorry my dear chaki- i mean Chloe. I'm Sorry!" pagkasabi ko nun ay inabot ko sa kan'ya ang mga hibla ng buhok na naiwan sa kamay ko. "Remembrance!" pang-aasar ko pa, Inirapan n'ya ako dahil sa sobrang bwiset.

Narinig ko ang pagbungisngisi ni Jeremy, mukhang natutuwa pa ata sa nangyari sa bebe niya.

"Grabe ka Angel, wala kang patawad sa buhok ni Chloe, tingnan mo ang pangit na ng buhok nya. Nabawasan kasi,"

"Paano mo naman nalamang nabawasan ang buhok nya?! bilang mo ba?!" pilosopo kong tanong.

"Natansya ko lang?" napapalakpak ako sa pang Miss Universe na sagot ni Jeremy.

"palakpakan, pukpukin ng award!" turo ko kay Jeremy.

Nilingon ko uli ang buhok ni chloe. "Tingnan mo nga oh, ang kapal pa rin ng buhok niya, parang mukha niya. Hindi halatang nabawasan." Hinawakan ko uli ang buhok ni Chloe pero asar niyang tinapik ang kamay ko.

"Hawak lang e, pinakikita ko lang kay Jeremy na maganda pa rin ang buhok mo kahit muntik ka ng mapanot!"

"Wag mong ubosin pasensya ko sayo, bwiset ka!"

"Oh, hindi pa ba? akala ko kasi ubos na, gusto mo ubusin natin."

"Naka naman palaban ang Angel! Anong pinaglalaban mo?!" hirit ni Jeremy.

"Chloe Sorry na! hindi naman halatang nabawasan e,"

"May araw ka rin sa akin, bruha ka!" naramdaman ko ang pag-angat ng ulo ni Rence mula sa pagkakapatong nito sa lamesa pero wala akong paki dahil na tutuwa pa akong bwisetin si Chloe.

"Ano ba ang ingay n'yo?!" Nakabusangot na sambit Rence.

"Paano kasi 'yang si Angel, kainis!" mangingiyak na saad ni Chloe. Asar syang tumayo at tumakbo palabas ng Classroom agad namang sumunod sa kaniya ang mga alipores niya.

THE MISCHIEVOUS |Completed✓|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon