-ANGEL'S POV-
Haist... hanggang ngayon iniisip ko pa rin yon.
Pailing-iling akong naglalakad patungong Cafeteria. Hindi ko pa rin maisip, kung bakit kailangan nya pa ako halikan sa nuo. Hindi ko alam kong ngingiti ba ako o maiinis...
Ginulo-gulo ko ang buhok ko pero napalingon kay Jeremy na nakasandal sa gilid ng railing dun sa may hallway at nakangisi.
"Anong ginagawa mo sa sarili mo?" tanong niya.
"Wala, nag-iisip lang ako."
"kamusta?!"
"Malapit na masiraan"
"Bakit?"
"Ang gulo kasi ni Marlon."
"Magulo?! Bakit may nangyari ba?" bigla uminit ang mukha ko sa tanong nya.
"huh?! Wa-wala ano namang mangyayari! Wala!" Maang-maangan ko.
"Talaga ba, Eh bakit masyado kang defensive. Meron no?" nakangisi nyang saad na para bang nababasa ang isip ko.
"Wala nga!"
"Hindi ako naniniwala?" Aniya na lalong nagpalubong ng hiya ko sa sarili, bago niya pa ako tuluyang mapaamin naisip ko ng ibahin ang topic.
"Oo nga pala, may hindi ka sinabi sa akin. 'yung tungkol sa libro." Sandali syang nag-isip at inaalala yung tungkol sa libro.
Tumingin sya sa akin at ngumisi. "Matagal na 'yon ah?"
"Bakit hindi mo sinabing nandon si marlon sa library at malapit lang siya sa lamesa natin!"
Malakas na napahalakhak si Jeremy.
"Sinabi ko bang wala sya dun." Pilosopo niyang saad na pinagtaasan ko ng kilay. "Bakit, Hindi ka ba nag-enjoy na alamin 'yong tungkol sa librong nya?"
Inirapan ko siya. "ewan ko sayo!"
"Wag na nating balikan ang nakaraan, tapos na yon e... ikwento mo na lang ang nangyari kahapon, dali Excited na ako!" Wika niya na parang batang excited na makinig ng kwento.
Magsasalita na ako ng naramdaman kong nangangati ang ilong ko.
"ATCHO! HA-CHO!" saktong pagbahing ko mabilis na napaatras si Jeremy palayo sa'kin.
"Makaiwas naman to, mahawaan ka sana!" Inis kong sabi.
"Grabe! Hindi ako makapaniwalang tumasik ako sa bahing mo."
"ATCHO! HA-CHO!" at ganon na naman ang ginawa nya, umatras ng malayo at kumapit pa sa railing.
"Kakapit na lang ako rito, baka liparin ulit ako." Nakangisi niyang saad kaya inirapan ko uli siya .
Mukhang nahawaan ako ni Marlon huh! ang bilis naman ng VIRUS nya...
PAGKABALIK naming ng classroom napatingin sa 'kin si Marlon pero iniwas ko ang tingin ko sa kanya. kaya lang pag-upo ko, bigla naman akong.
BINABASA MO ANG
THE MISCHIEVOUS |Completed✓|
Teen FictionNang magcross ang landas ni Angel at Marlon, walang araw at sandali ang hindi sila nag-away. Nand'yang umiinit ang ulo niya sa pinaggagawa ni Angel, pinagmumukha siya nitong mabait, isinasama sa gulo at makikipaghabulan sa mga basag ulo. As the day...